NEW
Font size
WorksheetsLong Test Filipino
Total questions: 20
Worksheet time: 22mins
Ang isang tanka ay binubuo ng ilang taludtod?
a. 5
b. 6
c. 4
d. 7
Ang pag-ibig at kalikasan ang karaniwang paksa ng isang ________________.
a. haiku
b. tanaga
c. tanka
d. aristocrat
Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap
a. Diin
b. Tono/Intonasyon
c. Antala/Hinto
Ponema
Ang tanka at haiku ay mula sa bansang Pilipinas
Tama
Mali
Ang haiku ay may labimpitong bilang ng pantig na may tatlong taludtod.
Tama
Mali
Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t dalawang pantig na may limang taludtod.
Tama
Mali
Ang diin ay bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Tama
Mali
Ang tanaga ay sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika.
Tama
Mali
Ito ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao.
a. Tanaga
b. Haiku
c. Pabula
c. Tanka
Siya ang itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu. Sino siya?
A. Aesop
B. Kasyapa
C. Hwanin
D. Daragat
Anong uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito?
A. Wika
B. Klino
C. Modal
D. Gramatika
Ito ay isang anyo ng panitikan na tumutukoy sa isang paksa, nagbabahagi ng kaalaman, nagpapahayag ng saloobin at opinyon ukol sa natatanging isyu at nanghihikayat sa mga mambabasa upang lumawak ang kanilang kaisipan sa paraang pasalaysay.
A. Maikling Kuwento
B. Pabula
C. Tula
D. Sanaysay
Ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito umiinog ang maliliit na himaymay ng akda. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
A. Kaisipan
B. Layunin
C. Paksa
D. Tono
Anumang nilalaman ng isang sanaysay. Pinagmumulan ng anumang diskurso.
A. Paksa
B. Layunin
C. Kaisipan
D. Himig
“Ang bango mo pala!” ( mula sa kuwentong, Sa Bagong Paraiso)
A. paghanga
B. pagkasaya
C. pagkagulat
D. pagkahiya
“Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglalabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!” (mula sa sanaysay na, " Kay Estella Zeehandelaar.”)
A. pagkagalak
B. pagsisisi
C. pagkagulat
D. pasasalamat
“Sana’y masabi ko sa iyo, ngunit…ang suliranin…kailanman. Ang ibig kong sabihin ay…maging higit na mabuti sana sa iyo ang…buhay.”( mula sa kuwentong, Ang Kuwento ni Mabuti)
A. pagkatakot
B. pagtangis
C. pag-aalinlangan
D. paghihinayang
Anong uri ng akdang pampanitikan ang binibigkas sa harap ng marami upang magbigay impormasyon, makaantig ng damdamin, makapagbukas kaisipan at makapagpaniwala at makapanindigan sa napapanahong isyu?
A. Anekdota
B. Balita
C. Sanaysay
D. Talumpati
____________________ walang hindi kakayanin kung pamamayanihin sa ating mga sarili ang pagtitiwala sa Diyos.
A. Hindi ko maaayunan…
B. Tunay…
C. Naniniwala akong…
D. Ikinalulungkot ko...
____________________ na ang tunay na kaligayahan ay masusumpungan sa paggawa ng mabuti sa kapwa.
A. Sang-ayon ako…
B. Sa tingin ko…
C. Naniniwala akong…
D. Hindi ko maaayunan…
