wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILDIS QUIZ 3

Total questions: 16

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Malinaw sa nasabing memo buhat sa CHED na wala nang asignaturang Filipino sa antas-kolehiyo sapagkat ang mga ito ay ibinaba na sa antas Senior High School — mas nararapat na kalagyan ng Filipino ayon sa mga bumalangkas ng naturang kurikulum sa paniniwalang sapat na rin naman ang asignaturang Filipino at ‘di na kailangang dagdagan pa.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Batay naman sa inilabas na paninindigan ng Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo) na pinamagatang Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwika sa Kasalukuyan na inilathala sa Manila Today laban sa suliraning pangwikang ibinunsod ng CHED Memo Bilang 20, disiplina ang Filipino.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Hindi lamang isang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ang Filipino. Sa katunayan, lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino ng ano mang usapin sa loob at labas ng akademya.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Sa inilabas na papel ng _____ na pinamagatang Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay binanggit ang tatlong pangunahing punto na nagpapatunay na ang Filipino ay higit pa sa pagiging midyum ng komunikasyon.

a)

UST Press

b)

Komisyon sa Wikang Filipino

c)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

d)

Ateneo de Manila Press

6.

Makikita ito sa librong inilathala ng _____ na pinamagatang Babasahin sa Kultural na Malayuning Komunikasyon (2017). Sa nasabing artikulo, binanggit na sa konteksto ng pag-aaral, hindi nakapagtatakang madukal ang yaman ng mga salitang pandamdamin sa wikang Filipino gaya ng saya na nakabatay din ang pagpapakahulugan sa kultural na kalagayan ng Pilipinas.

a)

UST Press

b)

Komisyon sa Wikang Filipino

c)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

d)

Ateneo de Manila Press

7.

Makikita ito sa librong Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik na inilathala ng _____. Sa artikulong ito, ipinaliwanag at inilantad ang gamit ng wika na labas sa estruktutang batayan nito. Itinuon ang hayagang paggamit ng pang-uri at pag-uuri sa realidad pangkalingan at panlipunan.

a)

UST Press

b)

Komisyon sa Wikang Filipino

c)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

d)

Ateneo de Manila Press

8.

Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino ni Melba P. Maggay ng Ateneo na inilathala ng _____. Tinatalakay sa aklat na ito ang panimulang panunuri tungkol sa pakikipag-ugnayan ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahiwatig sa kanyang kapwa.

a)

UST Press

b)

Komisyon sa Wikang Filipino

c)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP-Diliman

d)

Ateneo de Manila Press

9.

Ayon Sa UP Diksiyonaryong Filipino ni Almario, tumutukoy ito sa ano mang nagdudulot ng kasiyahang-loob at katuwaan. Samantalang batay sa Bagong Diksiyonayong Pilipino-Pilipino ni Silverio, ito ay kasingkahulugan o may kauganyan sa salitang kasiyahan, kaginhawahan, kaluwagan o ginhawa na ipinagkaloob o tinanggap, konsolasyon, konswelo; ligaya, kaligayahan, libang

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

10.

Tumutukoy ito sa pagkagusto sa mabuting karanasan ayon sa Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio at batay naman sa Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ng KWF, ito ay isang kasiyahang tinatamasa sa isang pook na tinitirhan o pinagliliwaliwan na ang ibig ay doon na mamalagi, pagkaaliw sa pinapanood o binasa na siyang naging dahilan sa pagkalimot sa ibang bagay.

a)

ALIW

b)

GALAK

c)

LIGAYA

d)

WILI

e)

TUWA

11.

nandidilat na mga mata

a)

nagagalit; nahihindik

b)

puno ng sigla at buhay

c)

galit; mapusok; mabagsik

d)

nagtataka; nagagalit

e)

malungkot; may dinaramdam

12.

nakamulagat na mata

a)

nagagalit; nahihindik

b)

puno ng sigla at buhay

c)

galit; mapusok; mabagsik

d)

nagtataka; nagagalit

e)

malungkot; may dinaramdam

13.

pagkagat ng labi

a)

nagsisisi; nagdadalamhati; nanghihinayang; nasasaktan

b)

nagtatampo; nagdadabog; masama ang loob

c)

may kaluguran ang loob; gaya ng dalagang nananaginip ng gising

d)

galit at nanlalait; maninilipit ang mukha; sukdulang kirot

e)

nasasaktan ngunit ayaw pahalata; nagpapakitang-tao; ibig Iang makisama at magbigay-galang sa madla

14.

Ngiting pilit

a)

nagsisisi; nagdadalamhati; nanghihinayang; nasasaktan

b)

nagtatampo; nagdadabog; masama ang loob

c)

may kaluguran ang loob; gaya ng dalagang nananaginip ng gising

d)

galit at nanlalait; maninilipit ang mukha; sukdulang kirot

e)

nasasaktan ngunit ayaw pahalata; nagpapakitang-tao; ibig Iang makisama at magbigay-galang sa madla

15.

pag-iling

a)

paggalang; pagkapahiya; pagkalungkot; malalim na pag-iisip

b)

hindi o huwag; may kinabibigatan ng loob ngunit hinahayaan na lamang

c)

nahihiya; naiinis; nangangamba

d)

’di mapakali; balisa

e)

ninenerbiyos o sobrang sigla

16.

nakaupo ngunit kumukuyakoy

a)

paggalang; pagkapahiya; pagkalungkot; malalim na pag-iisip

b)

hindi o huwag; may kinabibigatan ng loob ngunit hinahayaan na lamang

c)

nahihiya; naiinis; nangangamba

d)

’di mapakali; balisa

e)

ninenerbiyos o sobrang sigla