wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawain 9.2| Kaligirang Pangkasaysayan

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Kailan nagsimula at lumaganap ang akdang Ibong Adarna?

a)

Panahon ng mga Hapon

b)

Panahon ng mga Espanyol

c)

Panahon ng mga Katutubo

2.

Ano ang layunin ng mga mananakop ng Pilipinas sa pagdadala ng koridong, Ibong Adarna sa bansa?

a)

Pagyamanin ang panitikang Pilipino

b)

Ipakilala ang kultura ng banyagang mananakop

c)

Ipalaganap ang relihiyong Kristiyano

3.

Ang mga sumusunod ay ang mga tema at paksa sa akdang Ibong Adarna MALIBAN sa isa? Ano ito?

a)

Pagmamahalan sa pamilya

b)

Paglimot sa Panginoon

c)

Pakikipagsapalaran sa buhay ng kababalaghan

4.

Bakit nasimulan o nagkaroon ng pagkakataon ang mga katutubong Pilipino na basahin ang Ibong Adarna?

a)

Dahil pinilit sila ng mga prayle na basahin ang akda upang mas lalong maging pamilyar ang mga Pilipino sa kulturang banyaga

b)

Dahil nagandahan ang mga katutubong Pilipino sa kuwento at aral na makukuha sa pagbabasa ng Ibong Adarna.

c)

Dahil sa kawalan ng ibang anyo ng panitikan na mababasa dahil sa pagbabawal ng mga prayle sa pagbabasa ng ibang babasahin na walang kaugnayan sa relihiyon.

5.

Bakit panibago para sa mga katutubong Pilipino ang mga tauhan at tagpuan ng akdang Ibong Adarna?

a)

Dahil ito ay naglalahad sa buhay ng maharlikang angkan at mga kaharian

b)

Dahil tanging mga hayop ang pangunahing tauhan ng akda na nakatira sa kagubatan

c)

Dahil nagpapakita ito sa simpleng buhay ng mga Pilipino sa Pilipinas

6.

Noong unang panahon, saan ibenibenta ang mga kopya ng akdang Ibong Adarna?

a)

sa paaralan

b)

sa perya

c)

sa palengke

7.

Ang mga sumusunod ay ang mga paraan kung paano inilahad sa madla sa kawili-wiling paraan ang mga tagpo sa Ibong Adarna MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

itinanghal ang kuwento ng ibong adarna sa entablado

b)

hinalaw at isinapelikula ang ibong adarna

c)

ibinalita sa radyo ang mga tagpo ng Ibong Adarna

8.

Bakit lahat ng mga mag-aaral na nagtapos sa sekundarya ay minsan nang napag-aralan ang akdang Ibong Adarna?

a)

dahil bahagi ito ng isinasaad na kurikulum ng DEPED

b)

dahil nakit nila ito sa isang palabas sa telebisyon

c)

dahil ito ay isa sa mga asignatura sa hayskul

9.

Sino ang may-akda ng Ibong Adarna?

a)

Jose Rizal

b)

Hindi pa matukoy o anonymous

c)

Francisco Balagtas

10.

Anong uri ng Tulang Romansa nabibilang ang Ibong Adarna?

a)

Korido

b)

Awit

c)

Haiku