WorksheetsReview Quiz - Filipino
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Tukuyin ang kahulugan ng pahayag.
"Ang sariling wika ng isang lahi ay mas mahalaga kaysa kayamanan."
Napakahalaga ng wika sa isang bansa, higit na mahalaga sa anomang uri o halaga ng kayamanan.
Ang wika ay tulad ng kayamanang maibibilang na tunay na yaman ng bansa.
Magiging mayaman ang isang bansa kung ito ay may wika.
Ang wika ang makapagbabayad ng utang ng isang bansa.
Tukuyin ang kahulugan ng pahayag.
"Sapagkat ito'y (wika) kaluluwang lumilipat mula sa henerasyon patungo sa iba."
Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbay sa iba't ibang lugar sa bansa at sa mundo.
Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod na mga salinlahi o henerasyon kung ito ay patuloy na gagamitin.
Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba't ibang pangyayari sa bawat henerasyon at dako.
Tulad ng kaluluwa, ang wika ay nakakatakot.
Tukuyin ang kahulugan ng pahayag.
"Minanang wikang tinanim sa isipan, iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman."
Mahirap iwaglit sa isipan ang ating mabubuting natutuhan mula sa ating mga ninuno.
Mayaman ang mga taong may natanggap na yaman mula sa kanilang mga ninuno.
Ang wika ay pamanang ibinigay sa atin ng ating mga ninuno na kailanman ay mananatili sa ating isipan.
Wika ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga ninuno.
Tukuyin ang kahulugan ng pahayag.
"Para sa kaunlaran ay hindi dapat masayang tulad ng halamang natuyot at nangalagas ang tangkay."
Kagaya ng halaman, ang wika ay kailangang diligin at alagaan dahil mawawala ito kung hindi aalagaan at babantayan.
Mawawala at maglalaho ang wika kung hindi magkakaisa ang mamamayan.
Dapat magamit ang wika bilang kasangkapan sa pagkakamit ng kaunlaran kaya huwag ito hayaang mabalewala tulad ng natuyong halaman.
Wika ang magsisilbing halaman sa ating mga tahanan.
Tukuyin ang kahulugan ng pahayag.
"Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga, sa lahat ikaw ay maikukumpara."
Ang wikang Kapampangan, gaya ng wikang Filipino, ay mahalaga at natatangi.
Ang wikang Kapampangan ay higit sa ano pa mang wika sa bansa.
Wikang Kapampangan lamang ang dapat na pahalagahan ng lahat.
Ang wikang Kapampangan ay natatangi at mahalaga kaya sa lahat - ito ang pinakadakila.
Paano natin mapahahalagahan ang mga wika at dayalekto sa ating bansa?
Gamitin lang kapag kailangan.
Ibahagi sa susunod pang henerasyon.
Magpakasasa sa pag-aaral ng wika ng ibang bansa.
Ipagmalaki ang wika ng ibang bansa.
"May dumi sa ulo, ikakasal sa Linggo.
Inalis inalis, ikakasal sa Lunes."
Ito ay isang halimbawa ng kaalamang-bayan na _____.
Palaisipan
Bugtong
Tugmang de-gulong
Tula/Awiting Panudyo
Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Ito ay isang halimbawa ng kaalamang-bayan na _____.
Palaisipan
Bugtong
Tugmang de-gulong
Tula/Awiting Panudyo
"Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan
ay di makabababa sa kaniyang paroroonan."
Ito ay isang halimbawa ng kaalamang-bayan na _____.
Palaisipan
Bugtong
Tugmang de-gulong
Tula/Awiting Panudyo
"Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan."
Ito ay isang halimbawa ng kaalamang-bayan na _____.
Palaisipan
Bugtong
Tugmang de-gulong
Tula/Awiting Panudyo
Ang suprasegmental na ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng salita.
diin
intonasyon
tono
punto
Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag.
diin
haba
hinto
punto
Sa umpisa ay mabait si Kara, ngunit nang dahil sa ginawang pananampal sa kaniya ni Mia, ay unti-unti siyang naging palaban. Si Kara ay isang halimbawa ng tauhang _____.
lapad
bilog
parihaba
tatsulok
Ang Diyos ay patuloy na gumagabay sa atin anoman ang pagsubok na dumating sa ating buhay. Ang Diyos ay isang halimbawa ng tauhang _____.
lapad
bilog
parihaba
tatsulok
Piliin sa choices ang tamang salita na kokompleto sa diwa ng pangungusap.
__________, sa nayon ng Kabutihang Loob, may dalagang pinagkalooban ng ginintuang puso.
Noong unang panahon
Pagkatapos
Sumunod
Sa wakas
Piliin sa choices ang tamang salita na kokompleto sa diwa ng pangungusap.
_____, nagkaroon din ng kapayapaan sa nayon ng Kabutihang Loob.
Noong unang panahon
Pagkatapos
Sumunod
Sa wakas
Ang pinakamalaking aral na mapupulot mula sa kuwentong "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao" ay _____.
Pahalagahan ang matatanda sa ating lipunan.
Ang tunay at wagas na pag-ibig ay kailanma'y hindi matatalo ng kasamaan.
Huwag maging sakim pagdating sa kayamanan.
Ang pagiging matiyaga sa buhay ay paniguradong magbubunga nang masagana.
Sa pagbabasa ng "Alamat ng Bulkang Mayon", higit na binigyang-pansin ang aral na _____.
Hindi kayang pantayan ng kahit na anong kayamanan ang tunay at wagas na pagmamahalan.
Pahalagahan at alagaan natin ang ating mga magulang.
Ang pagiging matagumpay ay wala sa edad kundi nasa determinasyon at pagti-tiyaga.
Ang pagiging sakim pagdating sa kayamanan ay kailanma'y hindi magiging mabuting halimbawa sa nasasakupan.
Sa akdang "Yumayapos ang Takipsilim", binigyang-diin ang tungkol sa pagpapahalaga sa _____.
mga kapatid
mga magulang
mga kaibigan
mga guro
Bakit mahalagang pag-aralan natin ang panitikan ng Luzon?
Dahil dapat natin itong basahin.
Dahil ito ay bahagi ng aralin sa Filipino.
Dahil tayo ay mga taga-Luzon at responsibilidad natin itong malaman.
Dahil ito ay sumasalamin sa mga kultura, tradisyon at paniniwala ng mga mamamayan dito.
