wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G7 Mahabang pagtataya sa buwan ng Marso

Total questions: 42

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Tawag sa baong sandata ni Don Juan noong nilisan niya ang kaharian ng Berbanya?

a)

Itak at sisidlan

b)

Bendisyon

c)

Luha at lungkot

d)

takot

2.

Ilang beses lamang kumakain ng tinapay si Don Juan?

a)

Tuwing makaisang buwan

b)

Tuwing Ikalawang buwan

c)

Tuwing Ikatlong buwan

d)

Lingo-lingo

3.

Kaninong anak sinabi ang salitang ito "Kung ikaw pa'y mawawala, ay lalo kong kamatayan"?

a)

Don Diego

b)

Don Pedro

c)

Don Juan

d)

Don Rafael

4.

Dito nakatira ang isang tao na makakapag turo kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna.

a)

Dampa

b)

Tabor

c)

Bundok

d)

Mansyon

5.

Sino ang nakita ni Don Juan habang ito ay naglalakbay?

a)

Matandang pilay

b)

Matandang mahina ang pandinig

c)

Matandang bulag

d)

Matandang may ketong

6.

Sino ang mag-asawang namamalakad sa kaharian ng Berbanya?

a)

Haring Salermo at Reyna Claudia

b)

Haring Fernando at Reyna Valeriana

c)

Haring Alberto at Reyna Claudia

d)

Haring Lorenzo at Reyna Basilisa

7.

Sino ang nagplanong wakasan na ang buhay ni Don Juan?

a)

Don DIego

b)

Don Fernando

c)

Don Pedro

d)

Ermitanyo

8.

Sino ang hinintay ng Ibong Adarnang dumating sa kaharian?

a)

Don Diego

b)

Don Fernando

c)

Don Juan

d)

Don Pedro

9.
Ibigay ang pangalan ng tatlong prinsipe
a)
Don Juan, Pedro, Diego
b)
Don Marco, Diego, Leo
c)
Don Felipe, Juan, Marcos
d)
Don Diego, Paulo, Fernan
10.

Alin ang pinaka-angkop na kaisipang nakapaloob sa saknong na ito:

“Noon niya napagsukat

ang sa tao palang palad,

magtiwala ay mahirap

daan ng pagkapahamak.”

a)

Mahirap magtiwala sa taong hindi marunong magtago ng lihim

b)

Ang pagtitiwala ay minsan nagiging dahilan ng iyong kapahamakan.

11.

Bakit nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna?

a)

Dahil naging mapagbigay siya.

b)

Dahil sinunod niya ang payo ng ermitanyo.

c)

Dahil isa siyang mabuting anak.

d)

Dahil hindi siya sumakay ng kabayo.

12.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ni Don Juan para mahuli ang Ibong Adarna?

a)

Sinugatan ang palad gamit ang labaha

b)

Pinigaan ng dayap ang hiwang sugat.

c)

Binuhusan ng mahiwagang tubig ang mga bato.

d)

Tinali ng gintong sintas ang ibon.

13.

8. Alin sa mga sumusunod ang isa sa sakripisyo ni Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna?

a)

Paghiwa at pagpiga ng dayap ng pitong beses sa kanyang palad sa tuwing aawit ang Ibong Adarna.

b)

Paghiwa at pagkamot ng kanyang ulo sa tuwing aawit ang Ibong Adarna.

c)

Paghiwa at pagkurot ng sugat sa tuwing aawit ang Ibong Adarna.

d)

Paghiwa at pagpadyak sa puno sa tuwing aawit ang Ibong Adarna.

14.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaunang nangyari sa paglalakbay ni Don Juan.

a)

Pag-uusap nila ng matanda sa dampa.

b)

Pagtulong sa matandang sugatan.

c)

Pag-akyat sa puno ng Piedras Platas.

d)

Pagbuhos ng tubig sa mga nakatatandang kapatid.

15.

Ang pagiging bayolente, pananakit o paggamit ng dahas laban sa kapwa. Makikita ba ito sa iyong binasa?

a)

oo

b)

hindi

16.

Ang paggawa nang masama para lang mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan. Makikita ba ito sa iyong binasa?

a)

oo

b)

hindi

17.

Sino ang tumulong kay Don Juan nang siya'y bugbugin at pinagtangkaang patayin ng kanyang mga kapatid?

a)

Don Pedro

b)

Ermitanyo

c)

Lobo

d)

Ibong Adarna

18.

Bawat utos at balakin, kaya lamang pairalin

a)

Plano

b)

Balakid

c)

Bantog

d)

Naplano

19.

ganda'y walang pangalawa, sa bait ay uliran pa

a)

Mabuting halimbawa

b)

Tuliro

c)

Masama

d)

Sukdulan

20.

Kailan nagsimula at lumaganap ang akdang Ibong Adarna?

a)

Panahon ng mga Hapon

b)

Panahon ng mga Espanyol

c)

Panahon ng mga Katutubo

21.

Ang mga bagay sa ibaba ay ang mga ibinigay na bagay ng Emitanyo kay Don Juan maliban sa isa, alin ito?

a)

dayap

b)

gintong sintas

c)

labaha

d)

tela

22.

Ano ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtataksil?

a)

Awa sa Ibong Adarna

b)

Mailigtas ang amang Hari

c)

Labis na kahihiyan at Inggit kay Don Juan

23.

Ano ang naging reaksyon ng Hari ng makita ang ibong adarna?

a)

Natuwa at sya ay gagaling na.

b)

Nagulat sa nakita at ang ibon ay pagkapangit pala

c)

Nabighani sa angkin nitong ganda

24.
Ano ang pag kakaiba ni Don Juan sa Mga kapatid niya
a)
Hindi siya gumamit ng kabayo 
b)
Na kita niya ang Piedras Platas
c)
Naka punta siya sa Bundok tabor
25.

Silang tatlo ay piniging ng Ermitanyong butihin sa kanyang maliit na dampa.

a)

pinatulog

b)

pinakain

c)

pinapasok

d)

pinaalis

26.

Mga bagay na naranasan ni Don Juan habang siya ay naglalakbay patungong Bundok ng tabor.

a)

Uhaw

b)

Pagod

c)

sakit

d)

Gutom

e)

Pangamba

27.

Ang turing ay anak kay Don Juan.

a)

Leproso

b)

Haring Fernando

c)

Ermitanyo

d)

Lobo

28.

Bagay na ipinantali upang mahuli ang Ibong Adarna?

a)

Gintong sintas

b)

Sintas ng sapatos

c)

Tali ng ibon

29.

Ilang beses naghiwa ng palad si Don Juan?

a)

Limang beses

b)

Anim na beses

c)

Pitong beses

30.

katangian ng Adarna kapag nagpapahinga?

a)

Nakabuka ang pakpak

b)

Natutulog ng malakas ang hilik

c)

Dilat ang mata

d)

Umaawit habang natutulog

31.

Ano ang pamagat ng ikapitong Aralin?

a)

Ang kagandahang loob ni Don Juan

b)

Ang ibong Adarna ay nahuli na

c)

Ang mga nagtaksil

d)

Pakikipagsapalaran ni Don Diego

32.

Pagkatapos mahuli ng Ibong Adarna, Ano ang mga bagay na muling iniutos ng Ermitanyo kay Don Juan?

a)

Sumalok ng tubig

b)

Lagyan ng Tubig ang hawla

c)

Ibuhos sa dalawang puntod

d)

Kumuha ng banga

33.

Bagay na kinuha ng Ermitanyo na naging dahilan ng pag galing ng sugat ni Don Juan?

a)

Banga

b)

Botelya

c)

Labaha

d)

Dayap

34.

Unang himala na nangyari kay Don Juan.

a)

Nang makita niya ang tinapay na binigay sa leproso ay nasa loob ng bahay ng Ermintanyo

b)

Nang makita niyang ang dalawa palang puntod sa kaniyang harapan ay kaniyang mga kapatid

c)

Nang makita niyang wala ng sugat ang kaniyang mga katawan

d)

Lahat ng nabanggit ay tama

35.

Bilin ng Ermitanyo sa magkakapatid bago umalis.

a)

Huwag sana silang mag-away

b)

Huwag sanang maglilo

c)

Huwag sana silang makarating ng ligtas

d)

Wala sa nabanggit

36.

Bagay na ginawa ni Don Juan habang nag-iisa sa gitna ng kagubatan.

a)

Nanalangin sa Dios

b)

Sinisi ang Dios sa lahat ng nangyari sa kanya

37.

Mga bagay na naranasan ni Don Juan sa kamay ng kaniyang dalawang taksil na kapatid.

a)

Bugbog ang katawan

b)

Halos hindi makahinga

c)

Malakas at nakangiti pa

d)

Halos mapalugmok sa hirap

e)

Suntok, tadyak sa katawan

38.

Mga tao na tinanong ni Haring Fernando tungkol sa kanilang bunsong kapatid?

a)

Don Pedro at Don Diego

b)

Don Juan at Don Pedro

c)

Reyna Valeriana

39.

Saan tumingin si Don Juan para maibsan ang lungkot na nararamdaman?

a)

Sa langit

b)

Sa mga bituin

40.

Kanino nais iparating ang mensahing ito? " kung ngayon mo mamasdan ang bunso mong si Don Juan malabis kang magdaramdam"

a)

Don Pedro

b)

Haring Fernando

c)

Reyna Valeriana

41.

Taong tumulong upang gumaling ang sugat ni Don Juan, kaniya itong iniga ng dahan-dahan.

a)

Matandang uugod-ugod

b)

Matandnag Ermitanyo

42.

Mga kahilingan ni Don Juan habang mag-isa at sugatan sa gitna ng gubat.

a)

Patawarin ang kaniyang dalawang kapatid

b)

Parusahan ang mg kapatid na nagkasala upang sila ay matuto

c)

Makita pa ang kanilang ama na buhay at malakas

d)

Gumaling ang kanilang Ama sa sakit