NEW
Font size
WorksheetsQ2 ESP SUMMATIVE TEST
Total questions: 20
Worksheet time: 28mins
1.Sa iyong pag-uwi ng bahay, nadatnan mo ang iyong kapatid na giniginaw dahil mataas ang lagnat.Ano ang una mong gagawin?
A.Pagmamasdan lamang ang kapatid.
B.Tumalikod na kunwari ay hindi mo siya nakita.
C.Kukumutan ang kapatid pagkatapos ay tawagin ang mga magulang.
2. Isang lingo nang hindi nakakapasok ang isa mong kamag-aral. Nabalitaan mo na mayroon siyang malubhang karamdaman. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibisitahin mo ang iyong kamag-aral at
dadalhan ng pagkain.
B. Wala kang pakialam.
C. Matutuwa ka dahil may sakit ang iyong
kamag- aral.
3. Ano ang gagawin mo kung nalaman mong may karamdaman ang iyong kaibigan?
A. Hahayaan mo lang kahit alam mo na.
B. Paglalaanan ng oras sa pananalanging
pagalingin siya.
C. Ipapaalam sa ibang bata na may sakit ang
iyong kaibigan.
4. Nakakita ka ng batang duling na naglalaro kasama ang ibang bata. Ano ang gagawin mo?
A.Sasali sa laro at makikipag-away.
B.Tutuksuhin ang kalaro o ang batang duling.
C.Makikipagkaibigan sa batang may kapansanan.
5. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko
siya.
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang
gamit.
6.Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
A.Hindi ako makikinig sa sagot ng kaklase.
B.Tatayo rin ako at sasabayan siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.
C.Sasabihin ko sa kaklase ko ang tamang sagot.
7. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A.Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang
upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang
siyang nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan.
8. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang nakalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin?
A.Tatawanan ko si Jano.
B.Tatawagin ko na siya para umupo na.
C.Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nakalimutang linya.
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi.
9. Ibinahagi ni Ella ang ilan sa mga paborito niyang
laruan at sapatos sa mga batang Tausug.
TAMA
MALI
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi.
10. Pinapahiram ni Krizza sa kaklaseng Aeta ang
lapis at pambura niya.
TAMA
MALI
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi.
11. Masayang sumasama sina Genesis at Nijel sa mga
proyekto at gawain ng paaralan para makapaglibang
at makarating sa ibang lugar.
TAMA
MALI
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi.
12.Pinagtatawanan at kinukutya ng magkakaibigan ang
batang Mangyan.
TAMA
MALI
Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang TAMA kung ito ay nagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga pangkat etniko at MALI naman kung hindi.
13.Inipon ni Dirik ang lumang laruan at ibinigay niya ito sa kaniyang kaklaseng Ilongot.
TAMA
MALI
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
14. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa
patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
15. Niyaya ni Bela ang bagong lipat na kapitbahay na galing Batangas sa paglalaro ng patintero.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
16. Dumadalo ako sa pag-eensayo ng aming grupo para sa darating na Summer Basketball League.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
17. Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa kanilang pagsayaw dahil sa kaniyang suot na lumang damit.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
18. Kalilipat lang ng pamilya nila Noel sa Maynila. Dahil dito nahihirapan siyang makipag-usap sa mga bagong kaibigan kaya hindi siya isinama sa paglalaro.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
19. Batid kong marunong akong kumanta at sumayaw kaya sumali ako sa patimpalak.
Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa sa mga programa o palarong pambata at malungkot na mukha naman kung hindi.
20. Nakita kong masyadong mahiyain si Femme kaya’t siya ay aking niyaya na sumali kami sa paligsahan sa pagtula.
