NEW
Font size
WorksheetsFilipino 6
Total questions: 20
Worksheet time: 7mins
Ito ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, at malayang paggamit ng mga salita sa iba't ibang estilo. Ito rin ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig.
Tula
Pabula
Maikling Kuwento
Talumpati
Ayon kay _________________, ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan ng kadakilaan.
Julian Cruz Balmaceda
Iñigo Ed Regalado
Fernando Monleon
Alejandro G. Abadilla
Ayon kay _____________, ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit.
Julian Cruz Balmaceda
Iñigo Ed Regalado
Fernando Monleon
Alejandro G. Abadilla
Ayon kay ___________, ang tula ay panggagagad tulad ng panggagagad ng isang pintor, ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.
Julian Cruz Balmaceda
Iñigo Ed Regalado
Fernando Monleon
Alejandro G. Abadilla
Ayon kay _________, na ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.
Julian Cruz Balmaceda
Iñigo Ed Regalado
Fernando Monleon
Alejandro G. Abadilla
Ito ay uri ng tula na nagsasalaysay, naglalarawan ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento.
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Liriko
Tulang Patnigan
Ito ay uri ng tula na naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandulaan
Tulang Liriko
Tulang Patnigan
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan at labing-animan na pantig.
Sukat
Tugma
Saknong
Ritmo
Ito naman ang malinaw at 'di malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
Talinghaga
Kariktan
Sukat
Ritmo
Ito ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-abay.
Pang-angkop
Pandiwa
Pang-uri
Pang-abay
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pang-abay na Panlunan?
Mahinang kumain si Lina.
Bukas ng hapon baka umulan kaya isilong muna ang mga damit.
Dito nakatira sina Melanie at Ellie.
Maraming Salamat sa ating butihing guro na si Bb. M.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pang-abay na Panunuran?
Totoong bukas pa ang dating ng mag-asawang Dino at Pina.
Unang dumating si Ana kaysa kay Lyca.
Opo, hihintayin ko na lang.
Paumanhin po, Bb. M.
Sa panitikang Filipino, ang salitang _______ ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla mula sa pariralang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
Maikling Kuwento
Sanaysay
Pabula
Nobela
Ito ay nagpapahayag ng kabuuan ng isang talata o kuwento.
Tauhan
Aral
Banghay
Pamagat
Ito ay ang tiyak, literal na katuturan ng isang salita na maaaring matagpuan sa isang diksyunaryo.
Denotasyon
Konotasyon
Ito ay ang emosyonal at likha ng imahinasyong kaugnayang nakapalibot sa isang salita (maaaring nakabatay ang kahulugan sa pagkakagamit sa pangungusap).
Denotasyon
Konotasyon
Ito ay ang bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.
Pang-abay
Pangatnig
Pang-angkop
Pandiwa
Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning gawing makulay, kaakit-akit, at lalong mabisa ang isang pahayag
Tayutay
Matalinghagang Salita
Ibigay ang kahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
Malaking (SINDAK) ang nadama niya sa pagpasok ng magnanakaw sa bahay nila.
saya
takot
lungkot
kapighatian
Ibigay ang kahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
Dahil sa masusing pag-iimbistiga ng guro ay (NABUNYAG) din ang katotohanan.
nabigo
itinago
nalaman
siniyasat
