wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangunahing Kaisipan

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?


Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.

a)

Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.

b)

Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro.

c)

Magalang siyang makipag-usap sa mga tao.

d)

Isang mabait na bata si Carol.

2.

Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?


Ang ngipin ay dapat na mapangalagaan. Maganda itong tingnan kung ito’y mapuputi. Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin. Walang sasakit o walang masisirang ngipin kung magsisipilyo tatlong beses sa isang araw.

a)

Ang ngipin ay dapat na mapangalagaan.

b)

Maganda itong tingnan kung ito’y mapuputi.

c)

Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin.

d)

Walang sasakit o walang masisirang ngipin kung magsisipilyo tatlong beses sa isang araw.

3.

Alin ang pangunahing kaisipan sa talata?


Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Ang pagbabasa araw araw ay nakatutulongdin sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao. Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa. Mas maraming salita kang matututunan kung ikaw ay magbabasa. Napakarami talagang benepisyong makukuha ang isang tao kung siya ay palaging magbabasa.

a)

Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa.

b)

Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman.

c)

Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.

d)

Ang pagbabasa araw araw ay nakatutulongdin sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao.

4.

Alin ang pangunahing kaisipan?


Maaga pa ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papuntang simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ay araw ng kaniyang kasal.

a)

Maaga pa ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro.

b)

Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papuntang simbahan.

c)

Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa.

d)

Ito ay araw ng kaniyang kasal.

5.

Alin ang pangunahing kaisipan?


May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Kasaganaan naman ang berde at kaluPag-ibig naman ang kahulugan ng rosa at panibugho naman ang dilaw. Kalungkutan ang itim. Marami pang kahulugan ang kulay.

a)

May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay.

b)

Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan.

c)

Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosa at panibugho naman ang dilaw.

d)

Marami pang kahulugan ang kulay.

6.

Alin ang pangunahing kaisipan?


Matalinong bata si Nalyn. Mula elementarya ay kinikilala na ang kanyang karunungan. Palagi siyang kasali at nananalo sa anumang pang-akademiyang paligsahan. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na may mataas na karangalan.

a)

Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na may mataas na karangalan.

b)

Palagi siyang kasali at nananalo sa anumang pang-akademiyang paligsahan.

c)

Mula elementarya ay kinikilala na ang kanyang karunungan.

d)

Matalinong bata si Nalyn.

7.

Alin ang pangunahing kaisipan?


Magalang na bata si Carlo. Palagi siyang gumagamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda sa kanya. Hindi rin niya nakakaligtaang magmano. Palagi siyang naghihintay ng oras niya upang magsalita at hindi basta sumasabat sa usapan.

a)

Magalang na bata si Carlo.

b)

Palagi siyang gumagamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda sa kanya.

c)

Hindi rin niya nakakaligtaang magmano.

d)

Palagi siyang naghihintay ng oras niya upang magsalita at hindi basta sumasabat sa usapan.

8.

Magbigay ng isang pantulong na kaisipan o suportang pangungusap mula sa talata.


Magalang na bata si Carlo. Palagi siyang gumagamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda sa kanya. Hindi rin niya nakakaligtaang magmano. Palagi siyang naghihintay ng oras niya upang magsalita at hindi basta sumasabat sa usapan.

4 lines
9.

Magbigay ng isang pantulong na kaisispan o suportang pangungusap mula sa talata.


Nakahanda na ang manok, luya, sayote, at dahon ng malunggay. Nakaayos na rin ang mga gagamiting panimpla sa kusina tulad ng asin at paminta. Nilinis na rin ang kawali. Handa nang magluto ng tinola si Ria.

4 lines
10.

Ano ang tawag sa pangungusap na nagsasaad ng pangunahing kasipan o ideya?

a)

pangunahing pangungusap

b)

pantulong na pnagungusap

c)

detalyeng pangungusap

d)

paksang pangungusap