wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino sa Piling Larang (Modyul 1-3)

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

2.

Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at i-post sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom ang puwede niyang gawin?

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

3.

Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

4.

Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Sinopsis

d)

Paglalagom

5.

Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi. Nangangahulugan lamang ito na ?

a)

Dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda

b)

Dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin

c)

Suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan

d)

Pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa

6.

Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit ang ?

a)

sariling salita

b)

salita ng awtor

c)

salita ng kahit sino

d)

salita ng awtor at sariling salita

7.

Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?

a)

Pagbuo ng balangkas

b)

Pagbasa sa buong seleksiyon o akda

c)

Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal

d)

Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis?

a)

Basahin ang buong seleksiyon o akda.

b)

Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.

c)

Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.

d)

Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

9.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng sinopsis o buod?

a)

Para mapadali ang pagbasa ng isang pananaliksik.

b)

Para makasunod sa pagbabago ng lipunan.

c)

Para maayos na maipakilala ang sarili sa social network.

d)

Para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan.

10.

Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang ____________ na ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

a)

sanggunian

b)

aklat

c)

awtor

d)

lagom

11.

Nais gumawa ni Rency ng buod ng binasang kuwento, anong paglalagom ang maaari niyang gawin?

a)

sinopsis o buod

b)

paglalagom

c)

bionote

d)

abstrak

12.

Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Riza habang nasa ilalim ng Community Quarantine ang bansa. Nais niyang sumulat ng pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng lagom ang dapat niyang gawin?

a)

sinopsis o buod

b)

paglalagom

c)

bionote

d)

abstrak

13.

Ang lagom ay ang ______________ na bersiyon ng sulatin.

a)

payak

b)

pinaikli

c)

pinahaba

d)

teknikal

14.

Ang sinopsis ay uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga tekstong

a)

naratibo

b)

deskriptibo

c)

impormatibo

d)

argumentatibo

15.

Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang akda gamit ang sariling _________________

a)

akda

b)

salita

c)

pananaw

d)

pagsusuri

16.

Obhetibo ang pagsulat ng sinopsis, kaya nangangahulugan itong __________________________ang pagsulat?

a)

hindi ginagamitan ng sariling pananaw

b)

malikhain at masining

c)

may pananagutan

d)

may obligasyon

17.

Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?

a)

Basahin ang buong akda.

b)

Sumulat habang nagbabasa.

c)

Magbalangkas habang nagbabasa.

d)

Suriin ang pangunahing kaisipan.

18.

Huwag kalimutang isulat ang _________________ na ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

a)

sanggunian

b)

aklat

c)

awtor

d)

lagom

19.

Gumamit ng mga ________________ sa paghabi ng mga pangyayari lalo kung ang sinopsis ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

a)

pangngalan

b)

pang-ugnay

c)

pandiwa

d)

pang-uri

20.

Bakit mahalagang basahin ang buong seleksiyon ng akda bago bumuo ng sinopsis o buod?

a)

upang makapagbalangkas

b)

upang walang makalimutan sa isusulat

c)

upang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito

d)

para matiyak kung gaano kahaba ang susulating sinopsis

21.

Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang lumilinang na maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao?

a)

pakikinig

b)

pagbasa

c)

pagsulat

d)

pagsasalita

22.

Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy na dahilan kung bakit nagsusulat ang tao?

a)

libangan

b)

pagtugon sa trabaho

c)

pagsasatitik ng nararamdaman

d)

pagtalima sa kagustuhan ng magulang

23.

Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan?

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

akademikong pagsulat

d)

pamanahunang papel

24.

Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school?

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

pamanahunang papel

d)

akademikong pagsulat

25.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng pagsasanay mo sa akademikong pagsulat?

a)

pananaliksik

b)

pamanahung papel

c)

paggawa ng sanaysay

d)

pagsulat ng gabay sa pagtuturo

26.

Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na antas ng pagsulat. Kaya naman kailangan ni Kyle na magsanay sa ___________________.

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

pamanahunang papel

d)

akademikong pagsulat

27.

Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng impormasyon, mag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin. Patunay lamang ito na may kasanayan siya sa ___________________.

a)

pananaliksik

b)

teknikal na pagsulat

c)

akademikong pagsulat

d)

pamanahunang papel

28.

Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang ______ ay itinuturing din na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.

a)

pananaliksik

b)

akademikong pagsulat

c)

teknikal na pagsulat

d)

pamanahunang papel

29.

1. Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay nagbigay na ang guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Kaugnay nito, ang pahayag na ____________________________________________ay HINDI tumutugon sa maaaring sabihin ng guro tungkol sa akademikong pagsulat.

a)

higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat

b)

ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat

c)

ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat

d)

pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

30.

Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin ay ang pangongopya at walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor ng mga konseptong iyong kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng parusang _________________.

a)

Libelo

b)

Slander

c)

Forgery

d)

Plagiarism

31.

Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o mismong mga pangungusap (verbatim) ng hanguang detalye, nararapat lamang na

a)

Isama ang awtor at petsa ng sulatin.

b)

Lagyan lamang ng panipi (quotation mark) ang siping pahayag.

c)

Magkaltas ng ilang hindi mahahalagang salita.

d)

Sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na teksto.

32.

Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng mahahalagang impormasyon para lamang maibilang mo ito sa iyong akademikong pagsulat. Taglay mo ang katangiang

a)

Kritikal

b)

Matapat

c)

Matiyaga

d)

Sistematiko

33.

Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong isinusulat, may pagtitimbang o walang biased, at obhetibo sa lahat ng pagkakataon. Taglay mo ang katangiang

a)

Maingat

b)

Kritikal

c)

Matiyaga

d)

Sistematiko

34.

Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga wikang kailangang sagipin sa iba’t ibang panig ng arkipelago. Kaya naman, nagsasagawa sila ng pananaliksik sa pamamagitan ng personal na pagtungo sa mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin ang native speaker ng partikular na wika. Taglay nila ang katangiang

a)

Maingat

b)

Matapat

c)

Matiyaga

d)

Sistematiko

35.

Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo, reporter ng GMA-7 sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa tiyak na panahon at pagkakataon. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mananaliksik ang ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?

a)

Maingat

b)

Matapat

c)

Matiyaga

d)

Sistematiko

36.

Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David San Juan ng De La Salle University, lagi niyang binabanggit ang orihinal na mga awtor at manunulat ng isang partikular na konsepto o ideya. Anong katangian ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?

a)

Maingat

b)

Matapat

c)

Matiyaga

d)

Sistematiko

37.

Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi ng mga tala ang

a)

Hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon

b)

Pangalan at petsa ng orihinal na awtor

c)

Wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala

d)

Lahat ng nabanggit

38.

Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at pagsulat ng mga akademikong tala maliban sa

a)

Bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw

b)

Magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap

c)

Kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor

d)

Sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso

39.

Pinili ni Jed na sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang kapayapaan. Sa kanyang pagsulat, binigyan niya ng katuturan ang konseptong nabanggit. Gayundin naman, binigyang daan din niya ang mga salitang kasingkahulugan ng paksa maging ang etimolohiya nit0. Anong gamit sa akademikong pagsulat ang masasalamin dito?

a)

Enumerasyon

b)

Order

c)

Depinisyon

d)

Sanhi at Bunga

40.

Sa gamit na ito sa akademikong pagsulat, iniuuri at ipinapangkat ang mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.

a)

Paghahambing o Pagtatambis

b)

Problema at Solusyon

c)

Sanhi at Bunga

d)

Enumerasyon