NEW
Font size
WorksheetsQ3 W3 EsP 8
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at sitwasyon. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Mula sa mga katuruang ito, tayo ay maraming aral na napupulot na nagsasabing igalang ang lahat ng tao, magulang, nakatatanda pati ang taong
may awtoridad. Maliban sa:
Diary
Bibliya
Koran
Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze
Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil:
Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa o ikinaiinis mo
Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan
Nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral
Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo
Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng
Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
Pagbibigay ng halaga sa isang tao
Pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay
Dahil sa ikaw ay nakaramdam ng pagkagutom, bumili ka ng tinapay sa tindahan na malapit sa inyong tahanan nang mapansin ka ng inyong barangay tanod at sinabing, “Nasaan ang iyong face mask? Bakit ka nasa labas ikaw ay wala pa sa edad na may pahintulot na makalabas?” Ano ang dapat gawin sa sitwasyong ito?
Tumakbo pauwi at huwag pansinin ang tanod.
Humingi ng paumanhin sa tanod dahil ikaw ay nakaramdam ng gutom at bumili ng pagkain pagkatapos ay sabihing hindi na mauulit pang muli ang paglabag.
Mangatwiran sa tanod at sisihin ito na walang binibigay na ayuda ang barangay.
Isumbong sa magulang ang ginawa ng tanod at magreklamo.
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
Pagkilala sa mga hangggana o limitasyon.
Maging halimbawa sa kapwa.
Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa magulang?
Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
Maging halimbawa sa kapwa.
Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
Maging halimbawa sa kapwa.
Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
Pagiging maalalahanin
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda maliban sa______
Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.
Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang maliban sa____
Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
Paggalang sa kanilang mga kagamitan
Pagtupad sa itinakdang oras
Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang naginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Lahat ng nabanggit
