WorksheetsBalik-tanaw
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Nobela
Epiko
Tula
Awiting bayan
Tukuyin alin ang hindi kabilang sa mga elemento ng tula.
Tugma
Baybay
Sukat
Saknong
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Sukat
Tugma
Saknong
Banghay
Ang mga tulang may lalabingdalawa o lalabingwalo ay may sesura o hati. Tama o mali?
Tama, dahil kailangan huminto sa pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaapat na pantig
Tama, sapagkat ito ay saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig
Mali, Hindi kinakailangan ang paghinto sa pagbasa o pagbigkas sa bawat taludtod ng tula
Mali, ang sesura o hati ay maaari lamang gawin sa tulang may wawaluhin
Ito ay tulang dinala ng mga Hapones na may pintong pantig.
Dalit
Malayang taludturan
Haiku
Tanaga
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.
Parirala
Taludtod
Saknong
Talata
Ito ay nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Tugma
Ritmo
Tono
Intonasyon
Ito'y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
Kariktan
Idiyoma
Tayutay
Talinhaga
Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.
Tradisyunal na tula
Malayang Taludturan
May sukat na walang tugma
Mga katutubong tula
Isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
Dalit
Tanaga
Haiku
Diona
