wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Salitang tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

a)

Komunismo

b)

Kolonyalismo

c)

Konektado

d)

Kontrolado

2.

Nanguna ang Portugal at _____________ sa paglalayag sa malalayong lugar at pagtuklas ng mga bagong lupain noong panahon ng paggalugad at pagtuklas.

a)

Alemanya

b)

Israel

c)

Spain

d)

Italy

3.

Ang tatlong pangunahing layunin ng Spain sa pagtuklas ng mga lupain.

a)

God, Grass & Glory

b)

God, Granade & Glory

c)

God, Gray & Glory

d)

God, Gold & Glory

4.

Isang Portuguese na naglingkod sa hari ng Espanya sa pamamagitan ng pamumuno sa maambisyong ekspedisyon.

a)

Ferdinand Matthew

b)

Ferdinand Marcos

c)

Ferdinand Magellan

d)

Ferdinand Martin

5.

Noong ____________, pinaniniwalaang ginanap ang kauna-unahang misa sa Limasawa sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderama.

a)

March 16, 1521

b)

March 21, 1521

c)

March 29, 1521

d)

March 31, 1521

6.

Ang pagmimisyon ng mga prayle para mahikayat ang mga katutubong Pilipino na tanggapin ang relihiyong Katolisismo.

a)

Kristiyanisasyon

b)

Pangangayaw

c)

Pagsaludar

d)

Panliligaw

7.

Ang pagmimisyon ng mga prayle para mahikayat ang mga katutubong Pilipino na tanggapin ang relihiyong Katolisismo.

a)

Kristiyanisasyon

b)

Pangangayaw

c)

Pagsaludar

d)

Panliligaw

8.

Ang sapilitang pagpapatira sa mga Pilipino mula sa orihinal nilang tirahan tungo sa bayan na tinatawag na Pueblo.

a)

Tulisanes

b)

Cabecera

c)

Reduccion

d)

Visita

9.

Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang pangangailangan ng bansa, ang paniningil ng ___________o buwis ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.

a)

Trinity

b)

Trinidad

c)

Tributo

d)

Trese

10.

Ang ___________ ay teritoryo o lupaing ipinakatiwala sa mga conquistador, nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng Kolonyalismo.

a)

Enselada

b)

Enseymada

c)

Hacienda

d)

Encomienda

11.

Hango ang sapilitang paggawa sa polo y servicio na nangangahulugang ____________________.

a)

Gawaing Pambata

b)

Gawaing Pang dalaga

c)

Gawaing Pang matanda

d)

Gawaing Pampamayanan

12.

Ang tawag sa nagtatrabaho sa sapilitang paggawa.

a)

Polo

b)

Polista

c)

Pobre

d)

Polyo

13.

Ang kinatawan o representative ng Hari ng Espanya at pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral sa Pilipinas.

a)

Cabeza de barangay

b)

Gobernadorcillo

c)

Gobernador-Heneral

d)

Royal Audiencia

14.

Ang hinirang na kauna-unahang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Emilio Jacinto

c)

Miguel Lopez de Legaspi

d)

Ferdinand Magellan

15.

Ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na maaaring hawakan ng isang Pilipino, maging mga mestizong Tsino.

a)

Cabeza de barangay

b)

Gobernadorcillo

c)

Royal Audiencia

d)

Alcalde