NEW
Font size
WorksheetsAP2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang salitang __________________ay tumutukoy sa mga Europeo o dayuhang naninirahan sa Europe. Paglaon ay tumukoy din ito sa mga Amerikanong nagsagawa ng imperyalismo sa Asya.
Hilagain
Silanganin
Kanluranin
Timogin
Nakatulong sa mga manlalayag o manlalakbay ang mga kagamitang nagpadali at nagpabilis ng kanilang paglalayag sa karagatan kagaya ng ___________ na tumutukoy sa direksyon ng isang lugar.
Kahoy
Bakal
Payong
Compass
Naging mahigpit ang tunggalian ng Spain at Portugal sa pagtuklas at pananakop ng mga bagong lupain. Dahil dito, hinati ni Pope _________________ang daigdig para sa mga lugar na tutuklasin ng dalawang bansa.
Francis VI
John Paul VI
Alexander VI
Benedict VI
Ang Moluccas islands ay isang pangkat ng mga pulo sa Indonesia. Ito ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Pilipinas, kilala rin ito bilang _____________.
Spice Island
Sweet Island
Bitter Island
Sad Island
Nakarating sa Pilipinas ang Ekspedisyon ni Magellan noong _________________.
March 13, 1521
March 14, 1521
March 15, 1521
March 16, 1521
Pilit ipinaunawa ng mga Espanyol sa ating mga katutubo na hindi na dapat ipagpatuloy ang kanilang relihiyon sapagkat ito ay _____________o pagsamba sa diyos diyosang pinaniniwalaang naninirahan sa kalikasan.
Kolonyalismo
Merkantilismo
Paganismo
Imperyalismo
Malaki ang papel na ginampanan ng _______________sa pagtutupad ng kolonyalismo o pananakop sa ating bansa.
Paaralan
Simbahan
Bilangguan
Ospital
Ang paninirahan sa Pueblo o sa bayan na itinatag ng mga Espanyol ay batay sa Pilosopiyang "bajo el son de la campana o sa ilalim ng ____________________.
puting ilaw
tunog ng kampana
puting buwan
tunog ng kalesa
Noong 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang ____________________. Ito ay isang kapirasong papel na tinatanggap sa pamahalaan bilang katibayan sa pagbabayad ng buwis.
Cedula Personal
Personal Bio-data
Marriage contract
Birth Certificate
Ang pinuno ng barangay sa panahon ng Pamahalaang Kolonyal ng mga Espanyol.
Gobernador-Heneral
Cabeza de Barangay
Alcalde
Gobernadorcillo
Ang kataas-taasang hukuman sa Pilipinas noong panahong kolonyal.
Gobernador-Heneral
Alcalde Mayor
Royal Audiencia
Gobernadorcillo
Pinanatili ng Hari ng Espanya ang kalagayan sa lipunan ng datu at kaniyang pamilya.Nagpatuloy ang nakasanayan nilang paglilingkod sa kanilang mga tauhan at kinilala sila bilang______________________.
Manggagawa
Pastor
Guro
Principalia
Ang mga ___________________ay mga opisyal ng militar na tumutugis sa mga taong tutol sa pamamahala ng mga Espanyol o sa mga lugar na hindi pa napayapa.
Alcalde Mayor
Corregidor
Gobernadorcillo
Alcalde
Maaring malibre sa paglilingkod ang isang polista kung siya ay makapagbabayad ng ____________, o katumbas na halaga ng sapilitang paggawa o sapilitang pagpapatrabaho.
Falla
Pamasahe
upa
pagkain
Naging mahalaga ang __________________na inilimbag noong 1593 upang maipaliwanag at maituro ang mga aral ng simbahang katoliko sa ating mga katutubo.
Biblia
Koran
Ap book
Doctrina Christiana
