wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6-_3Q_FT_Motibo at Paraan ng Pananakop ng mga Hapon

Total questions: 25

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahalagahan sa pagpapatibay ng Saligang Batas 1943 sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa bansa?

a)

Ito ang nagbigay-daan sa kasarinlan ng bansa.

b)

Ito ang nagbigay-daan sa pagkakatatag ng Ikalawang Republika.

c)

Ito ang nagbigay-daan sa pagkakatag ng Central Administrative Organization.

d)

Ito ang nagbigay-daan sa kalayaan ng mga Pilipino.

2.

Ano ang naging papel ng mga Hapones sa pagkakatatag ng Ikalawang Republika?

a)

Sila ang tagapayo sa mga pinunong Pilipino.

b)

Sila ang tagasilbi sa mga pinunong Pilipino.

c)

Sila ang tagabayad sa mga pinunong Pilipino.

d)

Sila ang tagapangalaga sa mga pinunong Pilipino.

3.

Ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay naging makasarili. Ano ang organisasyon na naglalarawan nito?

a)

HUKBALAHAP

b)

MAKAPILI

c)

KALIBAPI

d)

USAFFE

4.

Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng kawalan ng produksiyon ng bigas sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

walang interes ang mga Hapones sa agrikultura

b)

pokus ang mga Hapones sa pagtatanghal sa entablado

c)

pagtaas ng presyo ng bilihin

d)

tanging bulak lamang ang itinatanim

5.

Ano ang tawag sa salaping pinaikot ng mga Hapones sa pamilihan sa kabila ng kawalan ng mabibili?

a)

dolyar

b)

Yen

c)

Mickey Mouse Money

d)

Puppet Government

6.

Alin sa mga sumusunod ang nag-udyok sa paglabas ng mga "Bigasang Bayan" sa panahon ng Hapones?

a)

National Production Campaign (NFPCO)

b)

Economic Planning Board (EPB)

c)

National Distribution Corporation (NADISCO)

d)

Department of Agriculture (DA)

7.

Alin sa mga sumusunod ang katawagan ng pulis-militar ng mga Hapones?

a)

Sakdalista

b)

Kempeitai

c)

Huk

d)

MAKAPILI

8.

Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga Pilipino na nagpatuloy na nakipaglaban sa mga Hapones pagkatapos sumuko ang USAFFE?

a)

Huk

b)

Gerilya

c)

MAKAPILI

d)

KALIBAPI

9.

Alin sa mga sumusunod ang aspetong maituturing na mabuti at maunlad sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

Kalagayang Panlipunan

b)

Kalagayang Ekonomiya

c)

Kalagayang Pampolitika

d)

Kalagayang Kaayusan at Katahimikan

10.

Paano nagwakas ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas?

a)

Sa pagbalik ni MacArthur sa Leyte.

b)

Sa pamamagitan ng digmaan laban sa Amerikano at Hapones.

c)

Sa paglaganap ng pandemya.

d)

Sa pagpapaalis ng mga Amerikano sa mga Hapones sa bansa.

11.

Paano napasuko ng mga Amerikano ang mga Hapones?

a)

Sa paghulog ng bombang atomika sa Nagasaki at Hiroshima Japan.

b)

Sa pagpatay ng mga Hapones dito sa Pilipinas.

c)

Sa paglagda ng isang kasunduan.

d)

Sa pakikipaglaban ng mga Pilipino.

12.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pag-uugali ng mga Pilipino kung saan mas tinatangkilik nila ang kultura at produkto ng ibang bansa?

a)

Stateside

b)

Colonial Mentality

c)

Feudal System

d)

Free Trade

13.

Ano ang naging resulta ng Free Trade sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas?

a)

Lumaki ang pundo ng Pilipinas.

b)

Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.

c)

Umangat ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas.

d)

Nakontrola ng Amerikano ang kalakalan ng Pilipinas.

14.

Ang tawag sa pagtangkilik ng mga Pilipino ng mga produktong galing sa ibang bansa.

a)

Lokal

b)

Stateside

c)

Free Trade

d)

Feudal System

15.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kalagayang ekonomiya ng bansa pagkatapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?

a)

Maraming pasalidad ang nasira.

b)

Tumaas ang presyo ng bilihin.

c)

Kakulangan ng pangunahing pangangailangan.

d)

Lahat ng nabanggit.

16.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kalagayang kaayusan at katahimikan sa pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

a)

Umusbong ang sistemang piyudal.

b)

Pagkatatag ng Huk.

c)

Kalunos-lunos ang sitwasyon ng bansa.

d)

Lahat ng nabanggit

17.

Ano ang programa ni Manuel Roxas na siyang nagbigay ng pantay na karapatan ang mamamayang Amerikano at Pilipino sa paggamit ng mga likas na yaman sa bansa?

a)

Bell Trade Act

b)

Parity Rights Amendment

c)

Rehabilitation Act

d)

Tydings McDuffie Act

18.

Ano ang ibig sabihin ng sistemang piyudal?

a)

Mga sundalong nadakip ng mga Hapaones

b)

Mga illegal na organisasyon.

c)

Mga magsasakang alipin ng may-ari ng lupa.

d)

Mga Pilipinong nakikipagsabwatan sa mga Hapones.

19.

Alin sa mga administrasyon ang nanunungkulan sa bansa ng mahabang panahon?

a)

Ferdinand Marcos

b)

Gloria Macapagal-Arroyo

c)

Manuel Quezon

d)

Rodrigo Duterte

20.

Alin sa mga pangulo ang nanungkulan pagkatapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at siya ang nagbangon ng Pilipinas sa digmaan?

a)

Jose P. Laurel

b)

Manuel Roxas

c)

Ramon Magsaysay

d)

Sergio Osmena

21.

Ang Filipino First Policy ay itinatatag ni Pangulong Carlos P. Garcia. Anong ibig sabihin nito?

a)

Ang pagbigay ng paryoridad sa mga Pilipinong negosyante kaysa sa mga dayuhang negosyante.

b)

Ang pagbibigay ng mga edukasyon sa mga Pilipino sa ibang bansa.

c)

Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino na makapagtrabaho sa ibang bansa.

d)

Ang pagbibigay proteksiyon sa mga Pilipino laban sa mga kaaway.

22.

Ang kauna-unahang babae na naging pangulo ng Pilipinas at binalik niya ang demokrasya ng bansa. Sino siya?

a)

Corazon Aquino

b)

Gloria Macapagal-Arroyo

c)

Elizabeth Sy

d)

Marcella Agoncillo

23.

Ang pangulo ng Pilipinas na siyang lumagda at nag-aproba sa pagbibigay ng sapat na sahod sa mga manggagawang Pilipino o Minimum Wage Law. Sino siya?

a)

Elpidio Quirino

b)

Benigno Aquino

c)

Diosdado Macapagal

d)

Sergio Osmena

24.

Ang pangulo ng Pilipinas na nangunguna sa pagtataguyod at pagpapatupad ng K12 education program sa Pilipinas upang mas mapaghusay ang kakayahan ng mga batang Pilipino kahit hindi makapasok sa kolehiyo. Sino siya?

a)

Gloria Macapagal Arroyo

b)

Benigno Aquino III

c)

Joseph Estrada

d)

Rodrigo Duterte

25.

Ang pangulong nangunguna sa pagsugpo sa paglaganap ng masamang droga at korupsyon sa Pilipinas. Sino siya?

a)

Rodrigo Duterte

b)

Joseph Estrada

c)

Fidel Ramos

d)

Corazon Aquino