NEW
Font size
WorksheetsREVIEW FOR EXAM AP
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang aming komunidad ay kumukuha ng mga pangangailangan sa kalikasan. Anong tawag sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao na nagmumula sa tubig o lupa?
Yamang Lupa
Likas na Yaman
Yamang Tubig
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga Likas na Yaman?
Nangingisda gamit ang mga pasabog sa dagat.
Nagpuputol ng labis na bilang ng mga puno.
Nagrerecycle ng mga patapong bagay.
3.Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa ating komunidad?
Nagbibigay ng pagkain sa bawat komunidad
Nagbibigay ng polusyon sa mga komunidad.
Nagiging sanhi ng kapahamakan sa mga tao.
4.Aling Likas na Yaman ang maaaring gamitin upang makalikha ng alahas?
korales
isda
ginto
5.Aling produkto ang naiibigay sa atin ng mga magsasaka?
pilak
palay
isda
6.Anong penomenon ang nagdudulot ng labis na pagkatuyo ng lupa?
El Niňo
La Niňa
Deforestation
7. Alin sa pangkat ng mga salita ang halimbawa ng kalamidad?
pagtatapon ng basura, ilegal na pagmimina, pagkakaingin
pag-aaksaya, pang-aabuso, pagpapabaya
bagyo, lindol, pagbaha, landslide, pagsabaog ng bulkan
8.Ano ang tawag sa paghawan at pagsunog sa mga puno, halaman, at damo sa gilid ng bundok upang gawing tahanan?
destructive fishing
illegal logging
pagkakaingin
9. Aling pangungusap ang nagpapakita ng pagtitipid?
Si Donna ay gumagamit ng baso sa pagsesepilyo.
Si Shasha ay gumagamit ng shower sa paliligo.
Si Roy ay iniwang bukas ang gripo sa bakuran.
10. Ano ang mangyayari kung ang mga tao ay patuloy na hindi magpapahalaga sa ating kapaligiran?
Marami pa din ang pagkain mula sa likas na yaman.
Tuluyang masisira ang kapaligiran.
Dadami ang mga hayop sa kagubatan.
Ang hipon ay halimbawa ng yamang lupa.
TAMA
MALI
Nanggaling ang langis sa puno ng niyog.
TAMA
MALI
Ang kalabasa ay isang yamang lupa.
TAMA
MALI
Yamang Tao may mga iba’t-ibang gawain sa komunidad upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya.
TAMA
MALI
Ang doktor ang gumagamot sa mga may sakit sa isang komunidad.
TAMA
MALI
Ang mga Likas na Yaman ay kailangan nating pangalagaan upang hindi ito tuluyang maubos
TAMA
MALI
Ang deforestation ay ang pagkalbo sa kagubatan dahil sa pagtotroso at pagkakaingin.
TAMA
MALI
Ang destructive fishing ay paggamit ng mga mapinsalang paraan ng pangingisda tulad ng dinamita o nakalalasong kemikal.
TAMA
MALI
Ang pag-aaksaya ay maaaring gawin dahil mayaman naman ang ating komunidad.
TAMA
MALI
Ang pagtitipid ng koryente ay makakatulong sa pangangalaga sa kapaligiran.
TAMA
MALI
