NEW
Font size
WorksheetsOnline Quiz Contest - Filipino Words
Total questions: 17
Worksheet time: 9mins
Ang salitang ito ay nangangahulugan ding Pananawagan o Pakiusap.
Marahuyo
Pahimakas
Pagsamo
Ang salitang ito ay katumbas din ng Kapalaran.
Paraluman
Tadhana
Alpas
Isang uri ng awit ng pag-ibig ng mga Tagalog. Karaniwang sinasaliwan ito ng gitara, tulad sa harana.
Kundiman
Panginain
Kapnayan
Ang ibig sabihin ng temang ito ay isang napakagandang babae na ang kagandahan niya ay katulad ng diyosa.
Maharlika
Paraluman
Prinsesa
Ito ay ang pag-alala, pagbabalik tanaw, pagbabalik isip ng mga bagay, pangyayari na nangyari na sa nakaraan.
Gunita
Sambat
Muni-Muni
Matinding balísa, karaniwang dahil sa sinisikil na sama-ng-loob.
Panimdim
Gigil
Balintataw
Ito ay nangangahulugang abot ng paningin o kayang makita.
Hiraya
Banaag
Yugto
Ito ay tawag sa katutubòng maliit na sisidlan ng salapi.
Sapantaha
Kalupi
Salipawpaw
Isang biglaan, o madalas matinding pagpapahayag ng damdamin o kilos.
Silakbo
Alpas
Sulatroniko
Ito ay nangangahulugang maganda, kaakit-akit, marikit,kaibig-ibig at kahali-halina.
Duyog
Dagitab
Marilag
Ito ay katawagan sa isang sasakyang panghimpapawid.
Pantablay
Salipawpaw
Kabtol
Ito ay termino para sa isang teatrong nagtatanghal ng mga pelikula.
Pinikalang-Tabing
Miktinig
Pang-Ulong Hatinig
Ito din ay nangangahulugang kawala, malaya o takas.
Sambat
Alpas
Kampit
Kapag tayo’y nananaginip habang gising, o kaya tayo’y may iniisip na gustong mangyari sa kasalukuyan na parang makikita na natin, ang tawag dito ay?
Paminggalan
Sukgisan
Hiraya
Terminong ginagamit sa kasangkapang nagkakarga ng kuryente sa batirya.
Haynayan
Pantablay
Liknayan
Termino para sa huling habilin, muling testamento o huling pamamaalam.
Pahimakas
Kampit
Kaulayaw
Salita na nagpapahayag ng nararamdaman kapag may kutob ang dibdib.
Pahimakas
Sapantaha
Panghibayo
