WorksheetsBarayti ng Wika _COT 1
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Ang tawag sa barayti ng wika na ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.
Creole
Idyolek
Sosyolek
Dayalek
Barayti ng wika na lumalabas ang personal na katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Idyolek
Sosyolek
Dayalek
Etnolek
Barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Etnolek
Idyolek
Jargon
Sosyolek
Barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang tiyak na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Di na siya babalik
Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Pidgin
Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.ka. “Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
Sosyolek
Idyolek
Register ng wika
Etnolek
Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading
sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa kanyang harap.
Jargon
Register ng Wika
Pidgin
Creole
Nalaman ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam
niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
Etnolek
Sosyolek
Pidgin
Register ng wika
Maraming ang gumaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
Idyolek
Sosyolek
Jargon
Dayalek
Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa,
bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
Pidgin
Creole
Jargon
Register ng Wika
