Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHAN - GAME 1GRADE 9

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

c)

Pang-ukol

d)

Pang-ugnay

2.

Anong uri ng tugma ang ginamit ng may-akda sa tula?


Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi,

Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi;

Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi,

Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.

a)

Malayang taludturan

b)

Di-ganap

c)

Ganap

d)

Walang tugma

3.

Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang taludtod ay karaniwang may wawaluhin, lalabindalawahin at lalabing-animing sukat.

a)

Tugma

b)

Saknong

c)

Sukat

d)

Kariktan

4.

Anong uri ng akdang pampanitikan ang binibigkas sa harap ng marami upang magbigay impormasyon, makaantig ng damdamin, makapagbukas kaisipan at makapagpaniwala at makapanindigan sa napapanahong isyu?

a)

Sanaysay

b)

Talumpati

c)

Anekdota

d)

Dula

5.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nabuksan ang silid at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan. Ang pangungusap ay wakas na bahagi ng kuwento, anong salita ang ginamit upang mapakita na ito ay pagwawakas ng kuwento?isyu?

a)

At

b)

Ilang

c)

Sandali

d)

Pagkatapos

6.

Anong uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito?

a)

Modal

b)

Klino

c)

Gramatika

d)

Wika

7.

Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausapp

a)

Tono

b)

Diin

c)

Antala

d)

Intonasyon

8.

Anong uri ng maikling kwento ang “Nyebeng Itim”?

a)

Maikling Kwento ng Tauhan

b)

Maikling Kwento ng Katututbong-kulay

c)

Maikling Kwento na Makabanghay

d)

Maikling Kwento ng Pakikipagsapalaran

9.

Ano/Sino ang itinuturing ni Huiquan (tauhan sa Niyebeng Itim) na kaniyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.

a)

ang kaniyang sasakyan

b)

ang kaniyang Tiya Lou

c)

ang hepeng si Tiyo Li

d)

si Lou Xiaofen

10.

Ito ay isang anyo ng panitikan na tumutukoy sa isang paksa, nagbabahagi ng kaalaman, nagpapahayag ng saloobin at opinyon ukol sa natatanging isyu at nanghihikayat sa mga mambabasa upang lumawak ang kanilang kaisipan sa paraang pasalaysay

a)

Pabula

b)

Maikling Kuwento

c)

Tula

d)

Sanaysay

11.

ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.

(a)  

12.

Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento

(a)  

13.

ito ay ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng may-akda, may nakatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay at matatalinhagang pahayag.

(a)  

14.

Ito ay mga maririkit na salita upang masiyahan, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mambabasa ng tula

(a)  

15.

Ang /si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/ para kay hinggil sa/hinggil kay at iba pa ay halimbawa ng?

(a)  

16.

Alin sa sumusunod na salita ang may pinakamasidhing damdamin?

a)

pagkamuhi

b)

pagkasuklam

c)

pagkayamot

d)

pagkagalit

17.

Isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng tig-pipitong pantig bawat taludtod ng bawat saknong.

a)

tanka

b)

haiku

c)

tanaga

d)

tanka at haiku

18.

May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod.

a)

tanka

b)

haiku

c)

tanaga

d)

tanka at haiku

19.

Salin sa wikang Filipino ng "grammar"

a)

balarila

b)

baralila

c)

balalira

d)

baralira

20.

Ayusin ang mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3. Ang 3 ay para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi at 1 para sa di masidhi.


( ___gahaman, ___ganid, ___sakim )

a)

123

b)

213

c)

321

d)

132