Font size
WorksheetsQ3-W1- ANO AKO MAGALING
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Siya ang pangulong nagdeklara ng kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya noong Hunyo 12, 1898.
A. Emilio Aguinaldo
B. Manuel L. Quezon
C. Jose P. Laurel
D. Sergio S. Osmeña
2. Kailan naganap ang pagpupulong sa Kongreso ng Malolos upang bumuo ng Saligang Batas?
A. Setyembre 14, 1898
B. Setyembre 15, 1898
C. Setyembre 16, 1898
D. Setyembre 17, 1898
3. Ano ang pinagtibay sa Pilipinas noong Setyembre 29, 1898 ngunit HINDI ito kinilala ng Amerika dahil sa pagsakop nito sa ating bansa?
A. kalayaan
B. kaugalian
C. kayamanan
D. kultura
4. Ilang taon ang ibinigay sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng malasariling pamamahala sa Pilipinas?
A. pitong taon
B. walong taon
C. siyam na taon
D. sampung taon
5. Ano ang naging batayan ng pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang Pilipinas?
A. Kongreso ng Amerika
B. Kongreso ng Malolos
C. Saligang Batas 1935
D. Saligang Batas 1987
6. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang Pilipinas?
A. Elpidio Quirino
B. Jose P. Laurel
C. Manuel Roxas
D. Sergio Osmeña Sr.
7. Saan inilipat ni Pangulong Quezon ang Pamahalaang Commonwealth bago ipahayag na Open City ang Maynila noong Disyembre 24, 1941?
A. Bataan
B. Corregidor
C. Malacañang
D. Malolos
8. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing suliraning kinaharap ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa:
A. asamblea
B. kolaborasyon
C. rekonstruksyon
D. rehabilitasyon
9. Sino ang tumulong kay Manuel Roxas na mapawalang sala sa isyu ng kolaborasyon o ang pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kalaban ng bansa?
A. Pangulong Franklin Delano Roosevelt
B. Pangulong Jose P. Laurel
C. Pangulong Sergio S. Osmeña Sr.
D. Heneral MacArthur
10. Anong pagbabago sa kulturang Pilipino ang nagdulot ng positibong epekto kung saan tayo ay kilala hanggang sa ngayon?
A. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.
B. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda.
C. Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino.
D. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.
