wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

epp quiz 2

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1. Anong uri ng paghahain ang nasa larawan?

a)

Smorgasbord

b)

Individual

c)

Family or English Style

d)

Buffet Style

2.

2. Anong uri ng paghahain ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa mesa at ang mga kakain ang kukuha ng kanilang gustong kainin?

a)

Estilong Blue Plate

b)

Estilong Buffet

c)

Estilong English

d)

Estilong Russian

3.

3. Ito ay isang gawaing kamay kung saan ang pag-aalis ng balat ng prutas o gulay ay ginagamitan ng maliit na kutsilyo o peeler

a)

Pagkaliskis

b)

Pagtatalop

c)

Pagsasala

d)

Pagbabati

4.

4. Bago maghanda o magluto ng pagkain, ito ang aking dapat gawin.

a)

Magsusuot ng apron at headband

b)

Aalisin ang relo, bracelet at singsing

c)

maghuhugas mabuti ng kamay

d)

Lahat ng nabanggit

5.

5. Paano masasabing ikaw ay isang matalinong mamimili?

a)

Kung pipiliin kong bilhin ang pinakamahal na mga sangkap.

b)

Kung wala akong dalang listahan pag ako ay mamimili.

c)

Kung hindi ko na titingnan pa ang presyo ng bibilhin at diretso bayad na.

d)

Kung bibili ako ng mura ngunit masustansya at sariwang mga sangkap.

6.

6. Ang halaga ng 1 kilong baboy ay Php180.00. Kung ¾ kilo lang ang bibilhin mo, magkano ang babayaran mo?

a)

135.00

b)

145.00

c)

155.00

d)

160.00

7.

7. Ang _____ ay isa sa basic food groups na nagbibigay lakas at init sa ating mga katawan.

a)

Go Foods

b)

Grow Foods

c)

Glow foods

d)

Food Pyramid

8.

8. Anong pagkain ang pananggalang sa sakit o glow foods?

a)

Malunggay, saluyot, petsay

b)

Ice cream, hamburger, softdrinks

c)

Iisda, tinapay, karne ng baboy

d)

Kamote, mais gabi

9.

9. Anong uri ng pagkain ang dapat ihanda ng pamilya?

a)

Mura at masustansya

b)

Mahal ngunit masarap

c)

Puro karne ang dapat ihanada

d)

Masarap ngunit walang sustansya

10.

10. Aling grupo ng pagkain ang masustansiya at mabitamina para sa almusal?

a)

saging, tinapay na may mantekilya, inihaw na isda, mainit na gatas

b)

adobong manok, lechon, softdrinks, fried rice

c)

chocolate cake, pancit canton, macaroni salad, orange juice

d)

fried chicken, fried egg, kape, mainit na kanin

11.

11. Ang _____ ay papel na hinugis ayon sa disenyo ng kagamitang tatahiin na nagsisilbing patnubay sa paggawa ng kasuotang tatahiin.

a)

Padron

b)

Sinulid

c)

Medida

d)

Apron

12.

12. Anong bahagi ng makina ang nasa ilalim ng presser bar na pumipigil at gumagabay sa tela habang nananahi?

a)

Feed dog

b)

Spool pin

c)

Presser foot

d)

Bobbin case

13.

13. Ang _____ ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng kagamitang pambahay.

a)

Sketch

b)

Pamagat

c)

Talaan ng Materyales

d)

Layunin

14.

14. Alin sa mga sumusunod na mga kagamitan ang nagpapabilis at nagpapagaan ang iba pang gawaing-bahay?

a)

floor polisher

b)

Washing Machine

c)

Sewing Machine

d)

Lahat ng nabanggit

15.

15. Ito ay tumutukoy sa bagay na nagdadagdag kagandahan sa bahay na inilalagay sa mga bintana upang makabawas ng tindi ng liwanag na pumapasok at pangharang sa alikabok.

a)

Baso

b)

Kurtina

c)

Towel

d)

Kumot

16.

16. Ano ang dapat na lpagkakasunod ng paglilinis sa loob ng tahanan upang mapabilis?

a)

Kisame, dingding, sahig

b)

Kisame, sahig, dingding

c)

sahig, kisame, dingding

d)

dingding, sahig, kisame

17.

17. Ang _____ ay bahagi ng bahay kung saan natutulog o namamahinga ng pribado.

a)

Kusina

b)

Sala

c)

Kwarto

d)

Banyo

18.

18. Sa aling bahagi ng tahanan unang pumapasok ang mga bisita?

a)

Palikuran

b)

Silid- tulugan

c)

Silid- tanggapan

d)

. Silid- Kainan

19.

19. Sino ang naghahanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tahanan, sapat at wastong pagkain, maayos na pananamit at masayang pagsasama ang buong pamilya?

a)

Nanay

b)

Tatay

c)

Kuya

d)

ate

20.

20. Magiging maayos, masaya at matiwasay ang pagsasamahan ng mag-anak kung alam ng bawat kasapi ang kanyang mga _____.

a)

Tungkulin

b)

Karapatan

c)

Pananagutan

d)

Lahat ng nabanggit

21.

21. Alin ang unang dapat plantsahin sa blusa o polo?

a)

Kuwelyo

b)

laylayan

c)

manggas

d)

likod ng damit

22.

22. Ang _____ ang pinaka-unang dapat alamin bago tanggalin ang mantsa.

a)

uri ng mantsa

b)

uri ng tela

c)

pantanggal ng mantsa

d)

panahon

23.

23. Ano ang unang hakbang sa paglalaba?

a)

Pagsasabon

b)

Pagbabanlaw

c)

Pagkukula

d)

Ihiwalay ang Puti sa may Kulay

24.

24. Alin ang tamang paraan ng pagkumpuni ng butas na kasuotan?

a)

Pagsusulsi

b)

Paglililip

c)

Pagtatagpi

d)

Paghihilbana

25.

25. Aling sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng pag-iingat sa kasuotan?

a)

Tinitingnan muna ni Yannie ang uupuan bago siya uupo rito.

b)

Pagkagaling school, ang pawisang damit ni Jeff ay inihagis niya sa sulok ng kanyang kwarto.

c)

Natastas ang palda ni Sonia, agad niya itong tinahi pag-uwi ng bahay.

d)

Binabad ni Luis ang kanyang puting t-shirt sa sabon na namantsahan ng chocolate

26.

26. Alin sa sumusunod na paglilinis ng bahagi ng katawan ang tama?

a)

Magsipilyo pagkatapos kumain

b)

Gupitin ang kuko minsan sa isang linggo

c)

Maligo anim na beses isang araw

d)

Maghilamos minsan sa isang lingo

27.

27. Alin ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng ulo/ buhok?

a)

Basain, Gumamit ng shampoo, kuskusin ng kamay, banlawang maigi, patuyuin at suklayin

b)

Basain, sabunin o gamitan ng face towel na may sabon, banlawan at punasan ng towel

c)

Suklaying mabuti namay kasamang sabon, patuyuin gamit ang electric fan

d)

Lagyan ng langis araw araw,at minsan lang itong suklayin.

28.

28 Pinagtatawanan at tinutukso ni Shane ang kanyang kaklase na si Mon dahil sa ito’y parang pumipiyok pag kumakanta, at si Lourdes na nagkaregla sa edad na sampu. Ano ang dapat maintindihan ni Shane?

a)

Dapat maunawaan niyang normal ang mga nangyayari kina Mon at Lourdes na nagbibinata at nagdadalaga.

b)

Tama ang ginagawa ni Shane dahil nakakatawa naman talaga sila.

c)

Dapat maintindihan niya na mas masayang manukso kung may kasama.

d)

Nakakinis ang mga pagbabagong nagaganap sa lalaki at babae.

29.

29. Napansin ni Aling Minda na mas nagging pawisin ang kanyang kambal na anak na sina Kim at Jim mula ng sila ay maglabing-isang taong gulang. Ano ang HINDI dapat gawin sa

sumusunod?

a)

Suoting muli ang polo na ginamit ngayon sa araw ng bukas.

b)

Maglagay ng tawas o deodorant sa kilikili.

c)

Magbaon sa school ng extra t-shirt o towel.

d)

Ugaliing maligo araw-araw.

30.

30. Bakit labis na nagpapawis at madalas tinutubuan ng pimples ang mga nagdadalaga at nagbibinata?

a)

Mainit ang panahon

b)

Mahilig maglaro

c)

Nagiging aktibo ang sweat glands

d)

Laging brown out