Font size
Worksheetskagamitan sa proyekto
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Isa itong kasangkapan sa paggawa na ginagamit na pambaluktot, pamukpok ng metal at pambaon sa pako at pait. Ano ito?
Maso
Katam
Barena
Martilyo
Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paggawa ang ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, tumitiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid at ginagamit kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy?
Iskwala
Foot rule
Zigzag rule
Metro
Ano ang uri ng lagari na ginagamit na pamutol nang paayon sa hilatsa ng kahoy?
Ripsaw
Crosscut saw
Backsaw
Coping saw
Kagamitang pampakinis sa ibabaw ng mga tabla o kahoy, gamit ang kamay o di kaya'y kuryente.
Kikil
Lagari
Pait
Katam
Ito ay maaaring yari sa kahoy, metal, at plastik na ginagamit sa pagsusukat ng mga bagay. May mga marka ito at linya sa gilid.
Ruler
Metro
Medida
Iskwala
Isang uri ng pambutas o pang-uka na ginagamit pang-ukit sa paggawa ng mga butas at hugpungan.
Barena
Pait
Lagari
Liyabe
Ginagamit ito sa pagkukumpuni ng nasirang gripo at pamihit sa tubo.
Liyabe
C-clamp
Brace
Distornilyador
Ginagamit na pamukpok ng paet o pandurog ng ilang bagay na may kinalaman sa pang-industriyang gawain.
malyete
maso
martilyo
lyabe
Ang isang bahagi ng ulo nito ay bilog na gamit pambilog ng metal, samantala ang kabila nito ay lapad o flat.
maso
claw hammer
Ball hammer
malyete
Ito ay ginagamit sa panggupit ng mga bagay tulad ng papel, sinulid, tela o buhok.
plais
coping saw
gunting
lagari
Kasangkapang pangbutas ng kahoy pahaba o parisukat at ginagamit na pang-ukit.
Destornilyador
Pait
katam
lyabe
Isang kasangkapang ginagamit upang ang kahoy ay mapakinis.
barena
pait
lagari
katam
Ito ay isang kasangkapang ginagamit sa pagpihit ng mga tuwerka (nut)
Lyabe Tubo
Lyabe Katala
Palakol
Destornilyador
Ginagamit na pamutol ng alambre o kawad at pang-ipit o pampilipit nito.
Gunting
Lagare
Plais
Kutsilyo
Panukat ng mahahabang gawain o proyekto.
Iskwala
Metro
Ruler
T - Square
