NEW
Font size
WorksheetsESP - Damdamin Mo, Nauunawaan Ko
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
1. Anong katangian ng Pilipino ang dapat pairalin sa panahong may pagsubok na kinakaharap ang buong mundo?
A. Pagmamalasakit sa kapwa
B. Umaasa sa tulong ng iba
C. Pagiging reklamador
D. Pagiging makasarili
2. Nawala ang bolpen ng iyong kaklase. Anong tulong o malasakit ang maibabahagi mo sa kaniya?
A. Walang ibibigay na tulong.
B. Hindi papansinin ang kaklase.
C. Tatawagin lahat ng mga kaklase.
D. Tutulungan sa paghahanap at kapag hindi nakita ay papahiramin na lang ng bolpen.
3. Sa panahon ngayon, marami kang napapanood sa telebisyon at internet na kaawa-awang kalagayan ng mga “frontliners”. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita o nagpaparamdam ng pagmamalasakit sa ating mga frontliners. Piliin ang letra ng lahat ng HINDI tamang sagot sa katanungan.
A. Ipagdarasal sila palagi na maging ligtas sila sa anumang sakit at kapahamakan.
B. Makikipagtulungan sa pamamagitan ng pananatili sa bahay.
C. Magbibigay ng pagkain para sa kanila.
D. Baliwalain kung ano ang ginawa nila.
4. Nakita mong nag-aaway ang iyong mga kapatid. Umiiyak ang isa sapagkat nasaktan ito. Ano ang gagawin mo?
A. Kakampihan ang isa.
B. Isusumbong sa magulang.
C. Hahayaan silang mag-away.
D. Mamamagitan sa kanila at pagkakasunduin sila.
5. May pulubing kumatok sa inyong garahe o pintuan ng inyong bahay para humingi ng tulong. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtataguan siya.
B. Paalisin siya sa tapat ng bahay
C. Bibigyan siya ng panis na pagkain.
D. Aabutan siya ng pagkain at paiinumin.
6. Maraming magulang na naapektuhan ang trabaho dahil sa pagkalat ng Corona Virus. Isa ang iyong mga magulang sa naapektuhan nito. Anong tulong ang iyong maibabahagi?
A. Magpapabili ako ng pagkain dahil dapat lang nila akong pakainin.
B. Tutulungan ko ang aking mga magulang sa pamamagitan ng pagtitipid.
C. Manghihingi na lang ako ng pagkain sa kapitbahay.
D. Hihingi kami ng tulong sa mga pulitiko
7. Maraming taong nangangailangan ng tulong at dasal para sa kanilang kaligtasan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa pamilya na kung nakakaluwag ay bibigyan sila ng pagkain na puwede nilang makain at isasama ang lahat ng Pilipino sa panalangin upang maging ligtas sa anumang panganib.
B. Hindi sila papasukin dahil baka sila ay may dalang Corona Virus.
C. Isusumbong sa barangay ang mga taong bagong dating lang sa lugar.
D. Hindi sila ipagdarasal dahil matigas naman ulo nila.
8. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kasamaan ng loob at upang maunawaan tayo ng ating kapuwa. Ano ang katangiang dapat mong taglayin?
A. Pagiging maunawain at sensitibo sa nararamdaman ng iba.
B. Pagiging mapagmataas at nanlalamang ng kapuwa.
C. Pagiging masungit sa kalaro.
D. Pagiging mareklamo.
9. Napansin mong sira na ang tsinelas na iyong ginagamit ngunit alam mong wala pa kayong pambili dahil mahina ngayon ang kita ng iyong tatay. Ano ang gagawin mo?
A. Mangungutang sa mga kapitbahay ng pambili.
B. Pipilitin ang nanay na bilhan ng bagong tsinelas.
C. Kukuhain ang tsinelas ng nakababatang kapatid.
D. Uunawain ang kalagayan ng tatay at aayusin na lang ang tsinelas para muling magamit ito.
10. Palaging nagpapaalala ang inyong barangay na bawal lumabas ang mga bata dahil sa mataas na bilang ng pagkalat ng Corona Virus. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Makikipaglaro pa rin sa kapitbahay.
B. Balewalain ang ipinag-uutos ng barangay.
C. Lalabas pa rin kahit ipinagbabawal ng barangay.
D. Susunod sa ipinag-uutos ng opisyal ng barangay dahil para na rin ito sa aming kabutihan.
11. Masaya ang iyong nanay sapagkat naglinis kayo ng bahay ng iyong mga kapatid. Bumili siya ng paborito ninyong pagkain. Ano ang mararamdaman mo?
A. Malulungkot
B. Magagalit
C. Magagalak
D. Maiinggit
12. Namatayan ng lola ang iyong mga kaibigan. Paano mo siya dadamayan?
A. Pagtatawanan ang kaibigan.
B. Sasabayan sa pag-iyak ang kaibigan.
C. Pagsasabihan na di dapat iyakan ang lola.
D. Dadamayan siya at palalakasin ang kanyang loob.
13. Dinala ang ate ng kaibigan mo sa ospital dahil sa hirap itong huminga. Sobrang nag-aalala ang iyong kaibigan dahil baka may COVID-19 ito. Ano ang gagawin mo bilang kaibigan niya?
A. Tatakutin siya.
B. Bibigyan ng payo na umalis ng bahay.
C. Ikukuwento kung ano nangyayari sa may COVID-19.
D. Sasabihin na manalig sa Diyos at gawin ang tama para sa ikagagaling ng ate niya.
14. Nabalitaan mong nasunugan ang iyong kaklase na nakatira sa kalapit na barangay. Paano mo siya dadamayan?
A. Manghihingi ng tulong sa iba.
B. Bibigyan siya ng pagkain at damit.
C. Babalewalain ang nangyari sa kaniya.
D. Ibabalita sa iba pang kaklase ang nangyari sa kaniya.
15. Nakapasa sa Board Exam ng pagkaguro ang anak ng iyong kapitbahay. Inanyayahan ang buong pamilya mo para sa isang salo-salo. Ano ang gagawin mo?
A. Pupunta upang bumati at makisaya sa tagumpay na
nakamit ng kapitbahay.
B. Walang pakialam sa kapitbahay.
C. Hindi dadalo sa paanyaya.
D. Hahayaan silang magsaya.
16. Nagkaroon ng matinding depresyon ang nanay ng kaibigan mo dahil sa sobrang pag-iisip sa problema. Paano mo siya dadamayan?
A. Sasabihan na umalis na lang ng bahay nila.
B. Palalakasin ang kaniyang loob.
C. Kakaawaan ang kaibigan.
D. Pagtatawanan siya.
1. Napansin mong malungkot ang iyong kapatid dahil hindi siya nakapasa sa ikaapat na baitang. Paano mo siya bibigyan ng payo?
A. Sasabihin na tanggapin nang maluwag sa kalooban at pagbutihin sa susunod.
B. Sisisihin siya kung bakit siya babalik sa ikaapat na baitang.
C. Ipamamalita sa ibang bata na siya ay uulit.
D. Pagtatawanan siya.
18. Humihingi ng tulong ang iyong kaibigan sapagkat nawalan ng trabaho ang kaniyang tatay. Paano mo siya dadamayan?
A. Sasabihan na “Problema na niya iyon”.
B. Sasabihan na walang maibibigay sa kaniya.
C. Sasabihan na sa barangay humingi ng tulong.
D. Sasabihin sa magulang ang pangangailangan para matulungan sila.
19. May gusto kang ipabiling laruan sa iyong nanay ngunit sabi niya na kulang ang pambili niya para rito. Ano ang gagawin mo?
A. Pipilitin ang nanay na bumili.
B. Uunawain ang nanay.
C. Sisigawan ang nanay.
D. Iiyakan ang nanay.
20. Tumawag sa telepono ang iyong pinsan upang ibalita na nakapagtapos na siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Paano mo siya babatiin?
A. “Ako ay masaya sa nakamit mo”.
B. “Kulang pa yan. Mag-aral ka pa.
C. “Buti di ka umulit ng pag-aaral”.
D. “Mag-aral ka pang mabuti”.
