wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Pagsusulit 4.1)

Total questions: 10

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na mga bansa ang kabilang sa Axis Powers noong World War 2?

a)

Britain, France, at U.S.

b)

Britain, Italy, at U.S.

c)

France, Germany, at Japan

d)

Germany, Italy, at Japan

2.

Saan matatagpuan ang base militar na Pearl Harbor na nilusob ng mga Hapon noong Disyembre 7, 1941?

a)

Australia

b)

Guam

c)

Hawaii

d)

Puerto Rico

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga naging direktang epekto ng pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor?

a)

Pagkasira ng mga barko at eroplanong Amerikano

b)

Paghina ng mga puwersang Amerikano na tutulong sa pagprotekta sa Filipinas

c)

Pagsisimula ng digmaan sa pagitan ng U.S. at Japan

d)

Pagsuko ng mga Amerikano sa mga Hapon

4.

Anong pangyayari noong digmaan ang ipinagdiriwang sa Abril 9 bilang isang national holiday na tinatawag na "Araw ng Kagitingan"?

a)

Pagbabalik ni MacArthur at Osmeña sa Leyte

b)

Pagbagsak ng Bataan at pagsasagawa ng Death March

c)

Pagbagsak ng Corregidor sa mga Hapon

d)

Pagdeklara sa Maynila bilang Open City

5.

Ang Bataan Death March ay ang paglalakad ng mga sundalong Amerikano at Filipino nang 100 kilometro mula Bataan patungo saan?

a)

Cavite

b)

Manila

c)

Olongapo

d)

Pampanga

6.

Sino sa mga sumusunod na tao ang nagsabi ng mga salitang "I shall return" sa kanyang pag-alis sa Filipinas?

a)

Douglas MacArthur

b)

Jose P. Laurel

c)

Manuel Quezon

d)

Sergio Osmeña

7.

Sino sa mga sumusunod na Filipino ang naging Pangulo ng bansa sa ilalim ng "Puppet Government" ng mga Hapon?

a)

Jorge B. Vargas

b)

Jose Abad Santos

c)

Jose P. Laurel

d)

Luis Taruc

8.

Ano ang tawag sa mga Filipino na nagsagawa ng pakikidigmang gerilya (guerilla warfare) para labanan ang mga Hapon?

a)

Hukbalahap

b)

Kempeitai

c)

Makapili

d)

USAFFE

9.

Ano ang tawag sa mga Filipino na naging mga espiya ng mga Hapon at nagtraydor sa kapwa nila mga Filipino?

a)

Hukbalahap

b)

Kempeitai

c)

Makapili

d)

USAFFE

10.

Ano ang ibig sabihin ng "Kamikaze" na tumutukoy sa ginawa ng mga pilotong Hapon na pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagpapatama nila ng sarili nilang eroplano?

a)

"Divine Wind"

b)

"Fighting Spirit"

c)

"Flying Attack"

d)

"Ultimate Sacrifice"