wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Liongo (Mitolohiya)

Total questions: 30

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.

a)

Aristocratic

b)

Egalitarian

c)

Matrilinear

d)

Patrilinear

2.

Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.

a)

Ahmad

b)

Liongo

c)

Sarah

d)

Toby

3.

Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.

a)

alamat

b)

epiko

c)

mito/mitolohiya

d)

parabula

4.

Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang _____________.

a)

masipag

b)

matiisin

c)

maunawain

d)

pabaya sa anak

5.

Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.

a)

pagkiklino

b)

pagpapakahulugan

c)

pagsasaling-wika

d)

pagsusuring-wika

6.

Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay ____________.

a)

paulit-ulit na nakulong

b)

madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa

c)

magaling tumakas tuwing siya’y madarakip

d)

malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid

7.

Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito?

a)

Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.

b)

Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.

c)

Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.

d)

Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.

8.

Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na ________.

a)

nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya

b)

ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya

c)

walang galang sa magulang ang anak ni Liongo

d)

sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo

9.

Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.

a)

Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.

b)

Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.

c)

Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho.

d)

Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay.

10.

Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.

a)

Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.

b)

Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.

c)

Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.

d)

Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

11.

PILIIN ANG WASTONG PAGKAKASALIN NG PAHAYAG/PANGUNGUSAP.

Fall in line.

a)

pumila nang maayos

b)

mahulog sa pila

c)

pumila sa linya

d)

wala sa nabanggit.

12.

Take a bath.

a)

kunin ang paliguan

b)

maligo

c)

kunin ang banyo

d)

wala sa nabanggit

13.

Sing softly.

a)

umawit ng mahina

b)

umawit ng malakas

c)

umawit ng mahinahon

d)

umawit ng malambot

14.

Sleep soundly.

a)

matulog nang tahimik

b)

matulog nang mahimbing

c)

matulog nang maingay

d)

lahat ng nabanggit

15.

Sleep tight.

a)

matulog nang mahigpit

b)

matulog nang mabuti

c)

matulog nang mahimbing

d)

lahat ng nabanggit

16.

calendar

a)

pangaso

b)

panghinain

c)

pantablay

d)

talaarawan

17.

South

a)

hilaga

b)

silangan

c)

timog

d)

kanluran

18.

pook-sapot

a)

browser

b)

website

c)

flat form

d)

charger

19.

Pantablay

a)

headset

b)

toothbrush

c)

dictionary

d)

charger

20.

Sipnayan

a)

English

b)

Science

c)

Arts

d)

Mathematics

21.

Alin ang HINDI dapat isaalang-alang sa pagsasaling wika sa Filipino.

a)

Nabibigyang halaga ang wikang banyaga at prayoridad ang pagkaunawa ng dayuhan

b)

Nauunawaan at malinaw ang mensahe ng kahulugan

c)

Mabisa ang wikang gagamitin sa mga babasa

d)

Ang wikang gagamitin ay mayroong interkultural at daybersidad sa kaanyuan

e)

NAkikilala ang tunguhing lengguwahe at simulaing legguwahe sa teknikal na pagsasalin

22.

Ito ay ang pangunahing dahilan ng pagsasaling wika.

a)

Ito ay upang maunawaan ang kahalagahan ng wikang dayuhan

b)

Ito ay upang makalimutan ang problema sa buhay

c)

Ito ay upang makapagtapos ng pag-aaral

d)

Ito ay upang mapagdulot ng pagkakaunawaan sa bawat pahayag

e)

Ito ay upang makapagbigay ng saya at aliw sa mga bawat tao

23.

Mahalaga na mapanatili ang mensahe o diwa ng tekstong sinasalin.

a)

tama

b)

mali

24.

Sa pagsasalin ng wika, hindi mahalaga kung maalam sa dalawang wika basta't kayang magsalin.

a)

tama

b)

mali

25.

Isinasang-alang alang sa pagsasalin na ang pag-iingat sa mga gagamiting salita upang mapanatili ang kagandahan ng teksto.

a)

tama

b)

mali

26.

Isinasa-alang-alang ng mga tagapagsalin ang kultura ng orihinal na teksto sa pagsasalin nito sa ibang wika.

a)

tama

b)

mali

27.

Mahalaga ang pagiging maalam sa pagsasaling-wika upang matuto na makipagtalo.

a)

tama

b)

mali

28.

Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon

a)

Kuwentong Bayan

b)

Mitolohiya

c)

Epiko

d)

Alamat

29.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gamit ng mitolohiya?

a)

Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

b)

Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan

c)

Maipaliwanag ang kasaysayan

d)

Maipakita ang gawaing panrelihiyon na Kristiyanismo

30.

Alin sa mga sumusunod ang panitikang hindi bumubuo sa mitolohiya?

a)

alamat

b)

epiko

c)

kuwentong-bayan

d)

parabula