wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 8 Fortitude-Mahabang Pagsusulit Q3

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng KOMIKS?

a)

Isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga mambabasa ang kwento.

b)

Peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyo, at iba pa.

c)

Isang grapikong tumatalakay sa kwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.

d)

Isang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan sa mas malawak na sakop ng mambabasa.

2.

Saan nagmula ang salitang KOMIKS?

a)

sa salitang Latin

b)

sa salitang Hindu

c)

sa salitang Arabic

d)

sa salitang Ingles

3.

Ano ang katawagan sa gumuguhit ng KOMIKS?

a)

illustrator

b)

artist

c)

graphic artist

d)

scriptwriter

4.

Sa kasaysayan ng KOMIKS, sa anong taon unang inilabas ang unang aklat na pinamagatang “The Yellow Kid in McFAdden’s Flats”?

a)

1897

b)

1922

c)

1930

d)

1950

5.

Sa anong taon nagsimula ang kwento ng mga sikat na bida sa KOMIKS tulad nila Captain Marvel, Superman, at Walt Disney?

a)

1920’s

b)

1930’s

c)

1940’s

d)

1950’s

6.

Sa anong taon nagkaroon ng tinatawag na Comic Code Authority para sa kaayusan ng inilalathalang KOMIKS?

a)

1920s-1930s

b)

1930s-1940s

c)

1940s-1950s

d)

1950s-1970s

7.

Sino ang may akda ng Kenkoy na Komiks?

a)

Tony Velasquez

b)

Mars Ravelo

c)

Carlo J. Caparas

d)

Jose Rizal

8.

Sa bahagi ng gramatika na Mga Salitang Gamit sa Komunikasyong Impormal, ito ang karaniwang salitang pambansang nabuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagdugtong ng salita?

a)

salitang kalye

b)

salitang kolokyal

c)

salitang balbal

d)

salitang banyaga

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng salitang kolokyal?

a)

Kelan kaya tayo luluwas ng Maynila?

b)

Ang madir niya ay masyadong mabait.

c)

Nakakatakot talaga ang super typhoon.

d)

Sikat na artista ang jowa ni Gerald.

10.

Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika, walang pamantayan na nabuo sa isang pangkat ng lipunan para sa partikular na pagkakakilanlan?

a)

salitang kolokyal

b)

salitang balbal

c)

salitang banyaga

d)

salitang kalye

11.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng salitang balbal?

a)

Ang mansanas at tsaka mangga ay prutas na mayaman sa bitamina A.

b)

Maraming datung ang taong nagbigay ng donasyon.

c)

Dapat tayong magbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

d)

Aywan niya kung pede daw bang lumiban sa trabaho.

12.

Ito ay karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pakikipagkomunikasyon sa mga salitang foreign?

a)

salitang balbal

b)

salitang kalye

c)

salitang kolokyal

d)

salitang banyaga

13.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng salitang banyaga?

a)

Nakakatakot talaga ang super typhoon.

b)

Ang kanyang gurang na lola ay napakabait.

c)

Nasan na nakatira ang iyong Tiyo Celso?

d)

Sa akin pumisan ang kanyang pamangkin noong nag-aaral pa ito sa kolehiyo

14.

Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyo at iba pa ma kalimitang pinopondohan ng mga patalastas?

a)

magasin

b)

komiks

c)

dyaryo

d)

tabloid

15.

Ang magasing ito ang kauna-unahang babasahin sa Pilipinas at ang editor nito ay si Lope K. Santos na siya ring may-ari ng naturang babasahin?

a)

Lipang Kalabaw

b)

Telembang

c)

Liwayway

d)

Bannawag

16.

Ito ay isang uri ng babasahing magasin na satirikong lingguhang nasa sirkulasyon ng industriya noong taong 1922 hanggang 1924?

a)

Liwayway

b)

Telembang

c)

Lipang Kalabaw

d)

Bannawag

17.

Kilalang babasahing magasin bilang “Photo News” na naglalaman ng larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa at tula?

a)

Telembang

b)

Liwayway

c)

Lipang Kalabaw

d)

Bannawag

18.

Sa magkanong halaga nabibili noon ang babasahing Lipang Kalabaw at Telembang?

a)

sa halagang 14¢

b)

sa halagang 12¢

c)

sa halagang 15¢

d)

sa halagang 11¢

19.

Ito ay uri ng babasahing magasin sa kasalukuyan na tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa?

a)

FHM

b)

Cosmopolitan

c)

YES!

d)

Men’s Health

20.

Ito ay uri ng magasin na pangkababaihan at ang artikulo nito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kanilang kalusugan, kagandahan, kultura, at aliwan?

a)

FHM

b)

Cosmopolitan

c)

YES!

d)

Good Housekeeping

21.

Ang magasing ito ay para sa abalang ina at ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang responsibilidad at maging mabuting maybahay?

a)

FHM

b)

Cosmopolitan

c)

YES!

d)

Good Housekeeping

22.

Ang magasing ito ay tungkol sa balitang showbiz at nilalaman nito ay palaging bago at puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa pinakasikat na artista sa bansa?

a)

FHM

b)

Cosmopolitan

c)

YES!

d)

Candy

23.

Ang magasing ito ay tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman nito?

a)

FHM

b)

YES!

c)

Metro

d)

Candy

24.

Ang magasin na ito ay binibigyan pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng mga kabataan, gawa ng batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga kabataang mambabasa?

a)

YES!

b)

Candy

c)

Metro

d)

FHM

25.

Ang magasing ito ay nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan gaya ng pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ng mga kalalakihan?

a)

YES!

b)

Men’s Health

c)

T3

d)

Good HouseKeeping

26.

Ito ay uri ng magasin para sa mga gadget kung paano ang pag-aalaga ng mga ito ditto mababasa ang pinakalatest na pagbabago ng teknolohiya at kagamitan?

a)

T3

b)

Good Housekeeping

c)

Candy

d)

Metro

27.

Ang magasing ito ay para sa mga nagnanais magtayo ng negosyo at para sa mga taong may negosyo narin?

a)

Candy

b)

Metro

c)

Entrepreneur

d)

T3

28.

Sa bahagi ng panitikan, ito ay isang kwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao?

a)

Kwentong bayan

b)

Talambuhay

c)

Anekdota

d)

Maikling Kwento

29.

Ito ay uri ng anekdota na hango sa tunay na buhay ng isang tao?

a)

Anekdotang kata kata

b)

Anekdotang hango sa tunay na buhay

c)

Anekdotang gawa gawa

d)

Anekdotang pantasya

30.

Ito ay uri ng anekdota na hindi hango sa tunay na buhay ng isang tao na madalas katatawanan ngunit madalas din na may mahalagang tinutukoy?

a)

Anekdotang kata kata

b)

Anekdotang hango sa tunay na buhay

c)

Anekdotang pantasya

d)

Anekdotang gawa gawa

31.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang akda ng Anekdota?

a)

The Puppet President- Jose P. Laurel

b)

The Indolence of the Filipino People

c)

A Century Hence ni Marcelo H. Del Pilar

d)

The Great Battle ng Korea

32.

Ito ay bahagi ng gramatika kung saan ito ay tumutukoy sa mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita na ginagamit bilang pamukod at pandagdag?

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

c)

Pang-ukol

d)

Pang-abay

33.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng pangatnig?

a)

Siya at ang kanyang ate ay parehong maganda.

b)

Ayon sa ulat ng panahon ngayon darating nag bagyo.

c)

Isa siyang huwarang pinuno sa kanilang tribu.

d)

Tungkol saan ang nasabing anunsyo?

34.

Ito ay uri ng retorikal na pang-ugnay kung saan tumutukoy sa katagang nag-uugnay sa panuring at tinuturingan?

a)

Pang-angkop

b)

Pang-ukol

c)

Pang-abay

d)

Pangatnig

35.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng Pang-angkop?

a)

Isa siyang maarugang-ina.

b)

Bunga ng kanyang kasakiman kaya siya nahuli.

c)

Alinsunod sa batas trapiko kaya siya nahuli sa aktong pagliko sa hindi tamang likuan ng mga sasakyan.

d)

Palibhasa mayaman siya kaya siya nakalaya sa kasong Estafa.

36.

Ito ay uri ng retorikal na pang-ugnay na tumutukoy sa mga katagang nag-uugnay sa pangngalan at iba pang salita sa loob ng pangungusap?

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

c)

Pang-ukol

d)

Pang- abay

37.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng Pang-ukol?

a)

Para sa taong bayan ang nalikom na pondo.

b)

Mabuting kapatid ang turing sa kanya ng kanyang pinsan.

c)

Kaya naman siya pinarangalan bilang Huwarang Mamamayan dahil sa kanyang kababaang loob sa mahihirap.

d)

Mayroon siyang mapagmahal na ina.

38.

Ito ay isang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito?

a)

Radyo

b)

Telebisyon

c)

Kompyuter

d)

selpon

39.

Ito ay paghahatid ng anumang mga impormasyon, kaganapan, o mga pangyayaring naganap o nagaganap sa isang tao, kapaligiran, sa pulitika, o sa lipunan?

a)

pagbabalita

b)

pagtatalumpati

c)

pag-aanunsiyo

d)

pagmomonologo

40.

Ito ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa di kalayuan?

a)

radyo

b)

telebisyon

c)

selpon

d)

kompyuter

41.

Alin sa mga sumunod na pahayag ang kahulugan ng Dokumentaryo?

a)

Mga palabas na naghahatid ng mga proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.

b)

Mga palabas na naghahatid ng mga makabagong proyekto na sumasalamin sa bagong mundo ng krimen.

c)

Mga palabas na naghahatid impormasyon sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.

d)

Mga palabas na naghahatid impormasyon tungkol sa politika.

42.

Ang layunin ng palabas na ito ay upang magbigay aliw at aral sa mga batang manonood?

a)

Children Show

b)

Talent Show

c)

Reality Show

d)

Morning Show

43.

Ang palabas na ito ay magbigay aliw at ipakita ang natural na kwento ng totoong buhay ng isang karaniwang mamamayan sa ating bansa?

a)

Reality show

b)

Morning Show

c)

Variety Show

d)

StoryLine

44.

Ito ay uri ng palabas na nagdadala sa atin sa iba’t ibang lugar upang makilala at madiskubre ang yaman ng ating bansa?

a)

Travel show

b)

Morning Show

c)

Magazine Show

d)

Educational Show

45.

Ang palabas na ito ay inaabangan ng karamihan, oras at araw ang lumipas at karugtong na ng ating pang-araw araw na pamumuhay?

a)

Variety Show

b)

Soap Opera

c)

Morning Show

d)

Travel Show

46.

Sa bahagi ng gramatika na panghalip, ito ay ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binaggit sa unahan ng pangungusap.

a)

Anapora

b)

Katapora

c)

Pamatlig

d)

Panaklong

47.

Alin sa mga na pahayag ang halimbawa ng ANAPORA?

a)

Namimili si Ana nang siya ay natisod at nadapa.

b)

Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang baso kaya tumakbo si Tess sa loob ng kwarto.

c)

Patuloy na nagbabadya ang paparating na malakas na bagyo.

d)

Masisira ang halaman kapag pinabayaang malunod sa tubig ulan.

48.

Ito ay uri ng Panghalip kung saan ginagamit sa unahan ng pangungusap bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng salita?

a)

katapora

b)

anapora

c)

pamatlig

d)

panaklong

49.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng KATAPORA?

a)

Pagdating niya ay sabihin mo kay Josh na bumili siya ng ulam sa kanto.

b)

Bago bumuhos ang malakas na ulan ay isara muna ang lahat ng bintana sa kwarto.

c)

Patuloy na bumubuhos ang ulan kaya naman nabasa lahat ang nakasampay na damit sa likuran ng bahay.

d)

Maaaring magtuloy-tuloy ang baha kung hindi tumigil ang buhos ng ulan.

50.

Ito ay salitang pamalit o panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap?

a)

Pang-abay

b)

Panghalip

c)

Pang-angkop

d)

Pang-ukol