wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGBIBIGAY PREDIKSYON SA SUSUNOD NA PANGYAYARI

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Malalim na ang gabi. Maya-maya ay nagtahulan ang mga aso sa tapat ng aming bahay. May narinig kaming sumigaw.

a)

may bisita

b)

may magnanakaw

c)

may dumarating na trak ng basura

2.

Mag-uumaga na nang magkagulo sa kabilang kalye. Inilalabas nila ang kanilang mga gamit.

a)

may sunog

b)

may nag – nag-aaway

c)

may dumarating na trak ng basura

3.

May makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Maya-maya, lumakas ang hangin.

a)

Magiging maaraw ang panahon.

b)

Matindi ang sikat ng araw.

c)

Uulan nang malakas.

4.

Malakas ang ulan. Nalimutan mong magdala ng payong. Sumugod ka sa ulan. Kinabukasan hindi ka nakapasok sa paaralan.

a)

Tinanghali ka ng gising.

b)

Tinatamad kang bumangon.

c)

Inaapoy ka ng lagnat.

5.

Nagtanim ng halaman si Ella. Dinidiligan niya ito araw-araw. Nilalagyan rin niya ito ng pataba. Isang araw nakawala ang alaga niyang manok. Nagpunta ito sa kaniyang halamanan. Pagdating niya, nagulat siya sa kaniyang nakita.

a)

Natuyo ang mga halaman.

b)

Nasira ang mga halaman.

c)

Namunga ang mga halaman.

6.

Kapag nauuhaw si May bumibili siya ng soft drink. Umiinom lamang siya ng dalawang basong tubig araw-araw. Bihira siyang umihi . Ano ang maaring mangyari sa kanya?

a)

Siya ay magiging malusog.

b)

Siya ay maaring magkasakit.

c)

Siya ay magiging matalino.

7.

Si Aling Rosa ay gumigising ng maaga.Nagmamadali siyang magluto at pagkatapos siya ay kumain. Agad siyang nagbihis ng damit pantrabaho. Kinuha niya ang mga kagamitan at pandilig.

a)

Maglalako ng isda.

b)

Magtatanim sa hardin.

c)

Maghuhugas ng pinggan.

8.

” Bawal Lumabas” ang bilin ng nanay sa mga bata para maiwasan ang pagkalat ng hawaan ng Covid19. Ngunit ng umalis ang nanay ay nagtakbuhan ang mga bata sa labas at nakipaglaro sa kapwa bata.

a)

Maaring magkasakit at mahawaan ang mga bata.

b)

Araw –araw na silang maglalaro sa labas.

c)

Magiging malusog at masigla ang mga bata.

9.

Malapit na ang uwian ng mga bata. Pinagliligpit na sila ng kanilang guro. Habang nasa labas na ay nagtutulakan sina Renzo at Bart.

a)

Natutuwa ang guro sa kanila.

b)

Pinagsabihan ng guro na wag magtulakan.

c)

Hindi pinansin ng kanilang guro ang kanilang ginawa.

10.

Si Kayrie ay nag-aaral ng mabuti.Hindi siya lumiliban sa klase. Sumasali siya sa patimpalak,at palatuntunan ng paaralan.

a)

Bibigyan siya ng sertipiko ng karangalan.

b)

Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.

c)

Madalas na siyang makipaglaro sa kaklase.