Font size
WorksheetsKanais-nais na Kaugaliang Pilipino
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtulong sa nangangailangan at Mali kung Hindi.
Nagkaroon ng pagpupulong sa barangay tungkol sa paghahanda sa pagdating
ng kalamidad. Ikaw ay masiglang dumalo rito.
Tama
Mali
2. Pinagsama-sama nina Gab at Alex ang mga lumang kagamitan at damit na
maayos pa upang maibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
Tama
Mali
3. Nagpaabot ng tulong si Aling Cora sa mga nasunugan.
Tama
Mali
May malaking butas sa kalsada na natanaw si Joanne sa di-kalayuan dulot ng
paglindol noong nakaraang araw. Naglagay agad siya ng babala bago sumapit
ang malaking butas upang mabigyang babala ang mga tao at pampasaherong
sasakyan.
Tama
Mali
Sumama si Gelo sa pagbabalot ng mga relief goods upang mas mapabilis
ang pagpapadala nito sa mga nangangailangan.
Tama
Mali
Napanood ni Rose ang isang balita tungkol sa paparating na malakas na
bagyo sa kanilang lugar. Agad siyang nagpunta sa kanilang kapitbahay na
walang telebisyon at ipinarating niya ang balita.
Tama
Mali
Nadaanan ni Jong at Mary ang kalsada na mayroong gumuhong lupa mula sa
katabing bundok at ito ay hindi madadaanan ng mga sasakyan. May
nakasalubong silang sasakyan ngunit hinayaan lamang nila itong magpatuloy.
Tama
Mali
Wala nang inatupag si Leo kundi sisihin ang gobyerno sa malaking pinsalang
iniwan ng bagyo sa kanilang lugar.
Tama
Mali
Nagkanya-kanya ang pangkat ni Lisa sa nais nilang paraan ng pagtulong kaya’t
hindi nito nakamit ang layunin ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Tama
Mali
Napanood ni Bless ang balita tungkol sa malaking pagbahang naganap sa
Tuguegarao. Saglit siyang tumahimik at pumikit upang ipagdasal ang mga
naging biktima at pamilya nito.
Tama
Mali
