Font size
WorksheetsPormatibong Pagtataya Aralin 1 at 2
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Isang anyo ng panitikan na hango sa makatotohanang pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus at nakasaad sa Banal na Aklat o Bibliya.
Pabula
Maikling Kuwento
Parabula
Paraan ng pagpapakahulugan na tumutukoy sa saloobin o pananaw sa buhay na kaugnay sa pagpapahalaga sa pamantayan ng Diyos.
literal na kahulugan
espiritwal na kahulugan
simbolikong kahulugan
Paraan ng pagpapakahulugan na naglalapat ng kahulugan sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito.
simbolikong kahulugan
literal na kahulugan
espiritwal na kahulugan
Pagpapakahulugan na tumutukoy sa tunay na kahulugan ng salita; walang malalim na kahulugan o ideya.
literal na kahulugan
simbolikong kahulugan
espiritwal na kahulugan
Ang "Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" ay matatagpuan sa anong aklat sa Bibliya?
Mateo 21: 1-16
Mateo 19: 1-16
Mateo 20: 1-16
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay ng kahulugang literal at nakabatay sa paggamit sa pangungusap.
Tama
Mali
"Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa." ang tagubilin ng inang banga sa kaniyang anak. Ang mga salitang may salungguhit ay nangangahulugang
mayaman
mahirap
makapangyarihan
Nang magkabanggaan, nanatiling buo ang porselanang banga. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay
matatag
mahina
mayaman
Ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan. Ang nagkalamat ay _________ sa literal na kahulugan.
hindi nagtagumpay
matibay
nabasag
Kinakatawan ng ubasan ang ______________.
taniman
Diyos
Kaharian ng Diyos
Ang kahulugan ng pahayag na " Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli" ay
Ang nahuling dumating ay nauunang umalis.
Ang Diyos ay may kinikilingan.
Lahat ay pantay-pantay sa pagtingin ng Diyos
Pare-pareho ang tinanggap bilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay ______.
pautang
bayarin
kaukalang bayad
Kami ay pupunta sa mahabang dulang nina Patricia at Iñigo. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
inuman
kasalan
binyagan
Maraming bubuyog ang umaaligid sa dalaga ni Aling Mameng. Ang salitang bubuyog ay may metaporikal na kahulugang
manliligaw
kabataan
kulisap
Mahal na mahal ni Lisa ang kabiyak ng kanyang dibdib na si Mario. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
puso
asawa
kapatid
Mag-ingat sa taong malikot ang kamay. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay
nananampal
kumukuha ng di kanya
makalikot
Kumukulo ang dugo ni Duterte sa mga nagdodroga. Ang salitang may salungguhit ay may kahulugang
umaapaw ang dugo
natutuwa
nagagalit
Basang sisiw kami nang naabutan kami ng malakas na ulan kahapon. Ang basang sisiw ay may metaporikal na kahulugan na
basa ang sisiw
basang-basa
naulanan
Marami na ang kasong kinakaharap ni Juan kaya't maituturing siyang masamang damo. Ang masamang damo ay nangangahulugang
mabuting tao
madayang tao
masamang tao
Ayoko sa lahat ang kaibigang plastik. Ang plastik ay nangngahulugang
di totoo
di tama
di karapat-dapat
