wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3_W1_PARABULA

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may salungguhit?

a)

maalalahanin

b)

masayahin

c)

mabuti

d)

mayaman

2.

“Tigilan mo nga ako Elias, puro ka na lang bola.” Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap ay _____.

a)

pagbibiro

b)

pangungutya

c)

paglalaro

d)

bagay na ginagamit sa paglalaro

3.

Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at ang mga pangyayari ay maaaring maganap sa totoong buhay.

a)

anekdota

b)

parabula

c)

pabula

d)

talambuhay

4.

Nagsakripisyo ang iyong magulang upang makapag-aral ka, pawis at dugo ang kanilang ipinuhunan. Ang pagpapakahulugang ginamit sa pangungusap ng mga salitang pawis at dugo ay ______.

a)

espirituwal

b)

literal

c)

metaporikal

d)

simboliko

5.

Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

pananaw

b)

sinusulatan

c)

posisyon sa buhay

d)

sinusunod

6.

Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay masyadong mahangin. Ano ang kahulugan ng salitang mahangin?

a)

mabait

b)

mayabang

c)

malakas ang hangin

d)

sinungaling

7.

Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Ang pahayag ay nagpapakita ng _______

a)

kabutihang-asal

b)

walang kasiyahan

c)

pagiging matulungin

d)

pagiging mapanumbat

8.

Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na, “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.”

a)

may mga taong naghahanap ng mauutusan

b)

may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya

c)

may mga taong handang tumulong nang buong-puso sa mga nangangailangan

d)

may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

9.

“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang pahayag sa parabula na nangangahulugang ________.

a)

mahalaga ang oras sa paggawa

b)

lahat ay may pantay-pantay na karapatan

c)

ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis

d)

kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis

10.

Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap ay ______.

a)

bayarin

b)

pautang

c)

kaukulang bayad

d)

utang