Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kulturang Pilipino

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng ating kultura na naglalahad ng kawikaan na naghahatid ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay.

a)

Kuwentong Bayan

b)

Salawikain

c)

Bugtong

d)

Pabula

2.

Ito ay isang tanong, talinhaga o palaisipan na may pinapahulaang kahulugan (maaaring bagay, tao, o sitwasyon).

a)

Harana

b)

Salawikain

c)

Bugtong

d)

Singkil

3.

Ito ay pagdiriwang tuwing Mayo na tinatawag ding "Bulaklak ng Mayo" na sumisimbolo ng kalinisan at patungkol kay Birheng Maria.

a)

Simbang Gabi

b)

Sarimanok Festival

c)

Cariňosa

d)

Flores de Mayo

4.

Ito ay sayaw ng mga dugong bughaw na nagmula sa Lanao Del Sur Mindanao.

a)

Singkil

b)

Sarimanok Festival

c)

Harana

d)

Cariňosa

5.

Ito ay kinaugaliang pagdalo sa misa sa loob ng siyam na araw bago ang Kapaskuhan. Kadalasang madaling-araw ito dinadaluhan ng mga Katoliko.

a)

Simbang Gabi

b)

Sarimanok Festival

c)

Harana

d)

Singkil

6.

Ito ay sayaw ng lalake’t babae na animo’y nagliligawan. Sinasabing ito raw ang pambansang sayaw ng Pilipinas sa halip na Tinikling.

a)

Kadang-kadang

b)

Cariňosa

c)

Pandanggo sa Ilaw

d)

Singkil

7.

Ito ay ang maka-Pilipinong paraan ng panliligaw kung saan hinahandugan ng awit ng binata ang kanyang sinisinta sa tapat mismo ng kanilang bahay. Ito ay tanda ng malinis na hangarin.

a)

Pamamanhikan

b)

Pagpapalitan ng Liham

c)

Harana

d)

Flores de Mayo

8.

Ito ay tanda ng paggalang sa pamamagitan ng pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat ng bata sa kanyang noo.

a)

Pagmamano

b)

Paghalik sa kamay

c)

Pagsasabi ng po at opo

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Ito ay pagkaing Ilokano na simbolo ng simpleng pamumuhay.

a)

lechon

b)

pinakbet

c)

sinigang na baboy

d)

adobong manok

10.

Ito ay pagdiriwang ng mga taga Lanao del Norte na kumikilala sa pananampalataya at pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng pagsasayaw suot ang makukulay na kasuotan.

a)

Ati-Atihan Festival

b)

Dinagyang Festival

c)

Sarimanok Festival

d)

Panagbenga Festival