NEW
Font size
WorksheetsURI NG PANGUNGUSAP
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
1. Gusto mong humingi ng tulong dahil nakikita mong nasusunog ang inyong bahay.
A. Nasusunog ba ang bahay namin?
B. Nakita ko na nasusunog ang bahay namin.
C. Tulong! Tulong! Nasusunog ang bahay namin!
D. Patayin mo ang sunog sa bahay namin.
2. Gusto mong ipaligpit sa iyong kapatid ang mga laruan na nakakalat sa sahig.
A. Sa iyo ba ang mga laruan na nasa sahig?
B. Pakiligpit ng mga laruan na nasa sahig.
C. Nakakalat ang mga laruan mo sa sahig.
D. Naku! Napakakalat mo talaga!
3. Gusto mong ikuwento ang iyong nararamdaman tungkol sa pagdami ng bilang ng nagkakaroon ng COVID-19.
A. Nalulungkot at natatakot ako dahil dumarami ang bilang ng
kaso ng COVID-19.
B. Hala! Ang dami nang nagkakaroon ng COVID-19!
C. Talaga bang dumarami ang bilang ng nagkakaroon ng COVID-19?
D. Bawal lumabas ng bahay dahil baka mahawa ka ng virus.
4. Gusto mong magtanong kung saan maaaring bumili ng facemask at face shield.
A. Magkano ang binebenta ninyong facemask at face shield?
B. Saan po rito maaaring makabili ng face mask at face shield?
C. Naku, ang mahal naman ng binebenta ninyong facemask at face shield!
D. Pakibilhan nga po ako ng facemask at face shield.
5. Gusto mong utusan ang iyong kapatid na ka bilhan ng facemask at face shield sa iyong kapatid.
A. Alam mo ba kung saan nakakabili ng facemask at face shield?
B. Magsuot tayo ng facemask at face shield tuwing lalabas ng bahay.
C. Bilhan mo ako ng facemask at face shield sa may tindahan.
D. Pakibilhan mo naman ako ng facemask at face shield.
