NEW
Font size
WorksheetsESP3 - Q3 - WK1 - Aralin 2
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Maraming katangian ang maipagmamalaki ng isang batang Filipino na katulad mo.
Tama
Mali
Ang mabuting kaugalian ng paggalang sa kapuwa lalo sa mga matatanda ay ginagawa sa paaralan lamang lalo na kung nakatingin ang guro.
Tama
Mali
Tayong mga bata ay tinuturuan ng ating mga magulang ng kabutihang-asal hindi lang dahil ito ay isang katangian nating mga Filipino kung di ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa.
Tama
Mali
Ang Pagmamano ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Pilipino na kung saan ay babatiin nating mga bata ang matatanda sa pagkuha ng kanilang kamay at paglagay nito sa ating noo sabay bigkas ng “mano po.” At tayo naman ay babasbasan sa pagsasabi ng “Kaawaan ka ng Diyos.”
Tama
Mali
Ang paggamit ng “po” at “opo” ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Filipino na kung saan ay nilalagyan ng po at opo ang mga salitang ating binibigkas sa tuwing tayo ay sumasagot o nakikipag-usap sa mga matatanda lamang.
Tama
Mali
Kinagigiliwan ang isang bata na nagsasalita ng may po at opo. Ang paggalang ay ugaling nakapagbibigay kalungkutan sa lahat.
Tama
Mali
Pagsunod sa tamang tagubilin ng nakakatanda ay isang napakabuting kaugalian natin ang pagsunod sa tamang tagabulin ng nakatatanda na kung saan ipinapakita natin ang ating pagtitiwala sa kanila na tayo ay kanilang gagabayan.
Tama
Mali
Upang hindi mo makalimutan ang mabuting ugali ng isang batang Filipino, gawing palagian ang pagkilos at pagsasalita nang malumanay at nang may paggalang.
Tama
Mali
Ang dapat sundin at igalang ay ang mga magulang lamang hindi kasama rito ang mga ate at kuya dahil sila ay mga bata pa.
Tama
Mali
Ang mga natatanging kaugaliang Pilipino ay dapat panatilihin sa puso, isip at gawa ng mga batang Pilipino.
Tama
Mali
