NEW
Font size
WorksheetsSUMMATIVE TEST 2 IN ARALING PANLIPUNAN 5
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
1.Ano ang pangunahing dahilan ng mga Amerikano sa bansa?
A. Layuning Pulitikal
B. Layuning pang-ekonomiya
C. Layuning Pangrelihiyon
D. Lahat ng nabanggit
2. Ang patakarang ginamit naman ng mga Amerikano sa mga Pilipinong agad na pumayag na manumpa ng katapatan sa pamahalaang Amerikano.
A.Patakarang Pasipikasyon
B. Patakarang Kooptasyon
C. Patakarang Asimilasyon
D.Patakarang Amerikano
3.Ang isa sa mga batas na nagpapakita ng kalupitan ng mga Amerikano ay ang______________
A.Benevolent Assimilation
B. Patakarang Asimilasyon
C. Patakarang Kooptasyon
D. Patakarang Pansipikasyon
4. Ang batas na ito ay nagsasaad na hindi magbabayad ng buwis ang mga produktong nanggagaling sa Pilipinas ngunit may takdang dami o quota sa pagluluwas nito sa Estados Unidos.
A. Batas Payne Aldrich
B. Batasang Pambansa
C. Batas Jones
D. Batas Underwood Simmons
5. Napaunlad ng mga Amerikano ang kalakalan at komersyo dahil sa _____________
A.malayang halalan
B. Malayang sanggunian
C. malayang pahayagan
D. Malayang kalakalan
6. Ang mga sumusunod ay epekto ng malayang kalakalan , maliban sa isa, alin ito?
A.Ang mga produktong asukal at tabako ay namonopolisa ng isang pamilihan lamang.
B. Ang mga may-ari ng lupa, industriya at komersyo ang tanging nakinabang sa malayang kalakalan.
C. Lumakas ang kakayahang industriyal ng bansa.
D. Lumago ang indsutriya ng paghahabi sa bansa.
7. Natuto ang mga Pilipinong magustuhan at tumangkilik sa mga imported kung kayat lumala ang kaisipang____.
C. pormahang hiphop D.pormahang K-POP
A. Colonial Mentality
B.Crab Mentality
C. pormahang hiphop
D.pormahang K-POP
8. Ano ang mga mahalagang pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano?
A. Lumawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa.
B. Kumikita ang pamahalan sa pamamagitan ng tariff /taripa
C. Tumataas ang kita ng mga prodyuser na ng-eexport.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Ano ang tawag sa ponding kaloob ng mga mayayamang tao sa mga relihiyosong orden na inilalaan para sa gawaing pagkakawanggawa?
A.Obras Pias
B. Real Compania de Filipina
C. Cofradias
D. Polo
10. Ang mga sumusunod ay ang mga di-mabuting epekto ng Real Compania de Felipinas maliban sa isa. Ano ito?
A. Pagpapayaman ng mga ahente
B. Pinagmulta at binawian ng lupa ang mga mamamayan.
C. Napaunlad ang industriya at pagsasaka
D. Ang pera ay ibinulsa ng mga inspektor
11. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol na tinatawag ding sapilitang paggawa?
Polo y Servicios B. Polista C. Tributo D. Bandala
A. Polo y Servicios
B. Polista
C. Tributo
D. Bandala
12. Ilang taong gulang na mga kalalakihan ang dapat maglingkod sa Polo?
A. 18 hanggang 55 taong gulang
B. 16 hanggang 65 taong gulang
C. 12 hanggang 60 taong gulang
D. 16 hanggang 60 taong gulang.
13. Ang mga sumusunod ay ang mga di- mabuting epekto ng Polo y Servicio maliban sa isa. Ano ito?
A. Dumami ang mga gusali at gawaing pampubliko
B. Ang mga polista ay nalayo sa kanilang pamilya
C.Hindi binabayaran ang mga polista
D. Napabayaan ng mga polista ang sarili
14. Ano ang tawag sa programa ni Jose Basco y Vargas na nagtataguyod ng kaunlarang pang- ekonomiya at industriya ng bansa?
A. Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais
B. Monopolyo
C. Real Compania de Filipinas
D. Polo
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-unlad ng transportasyon sa bansa noong panahon ng mga Español?
A. Pagtatatag ng unang riles ng bansa
B. Itinatag Ang Banco Español Filipino de Isabel II
C. Nagkaroon ng serbisyo ng koreo
D. Nagsimula ang serbisyo ng telepono
16. Ano ang tawag sa patakarang pang ekonomiya na nagmula sa pangalan ng barkong may daladalang kalakal na tumatawid ng Dagat Pasipiko mula Acapulco, Mexico patungong Maynila?
A. Polo
B. Kalakalang Galyon
C. Bandala
D. Monopolyo
17. Ano ang uri ng pamamahala ng mga Espanyol noon sa bansa batay sa balangkas ng Pamahalaang Kolonyal?
A. Naging maayos ang paraan ng pamamahala sapagkat nagampanan nang mabuti ng mga opisyal ang kani-kanilang mga tungkulin.
B. Nasa kamay pa rin ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng pamamahala bagama’t sakop ng Espanya ang bansa.
C. Halos lahat ng posisyon ay hawak ng mga Espanyol kung kaya’t nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa.
D. Mas lumalim ang pananampalatayang Kristiyano ng mga Pilipino sa tulong ng mga opisyal ng simbahan bilang bahagi ng balangkas ng pamahalaang kolonyal.
18.Bakit kabilang ang mga pinuno ng simbahan sa balangkas ng Pamahalaang Kolonyal?
A. dahil nagbuklod ang simbahan at pamahalaan sa pamamahala sa Pilipinas.
B. dahil nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahang Katoliko ang pamahalaan.
C. dahil ito ay ayon sa kautusan ng Papa sa Roma.
D. dahil kulang sa kinatawan ang Espanya upang mamahala sa buong bansa.
19. Sino ang kauna-unahang naging gobernador-heneral ng bansa sa Pamahalaang Kolonyal?
A. Ferdinand Magellan
B.Haring Felipe II
C. Miguel Lopez de Legaspi
D. Ruy de Billalobos
20. Bakit nagkaroon ng Audiencia Real, Visitador, at Residencia?
Upang may magsiyasat sa pang-aabuso ng gobenador-heneral
Upang magkaroon ng karagdagang ahensiyang hawak ng gobernador-heneral
C. Upang magsilbing tagapag-ulat ng mga kaganapan sa bansa
D. Upang may makatulong ang gobernador-heneral sa pamamahala sa bansa
21. Alin ang totoo sa mga sumusunod?
A. Humahalili ang gobernador-heneral sa Hari ng Espanya.
B. Ang obispo ay maaaring pumalit sa gobernador-heneral.
C. Ang arsobispo ay may kapangyarihang kapantay ng gobernador-heneral.
D. May sariling batas na sinusunod ang mga opisyal sa Pamahalaang Lokal.
22. Ano ang unang ginamit ng mga Espanyol na pamamaraan ng pamamahala bago pa itatag ang pamahalaang lokal?
A. Indulto de Comercio
B. Cumplase
C. Divide and Rule (Hatiin at Sakupin)
D. Sistemang Encomienda
23. Bakit hinati sa maliliit na yunit ang pamahalaang lokal?
A. upang maging madali at mabilis ang pamamahala
B. upang matulad ito sa paraan ng pamamahala sa Espanya
C. upang tuluyang masupil ang mga katutubong Pilipino
D. upang mabigyan ng pagkakataon ang mga datu na mamahala
24. Ano ang ginamit ng mga Espanyol upang madali nilang mapamahalaan at masakop ang bansa?
A. Sistemang encomienda
B. Pagbibigay ng kapangyarihan sa simbahan
C. Pagpapatupad ng kapangyarihan ng simbahan.
D.Pagkakaroon ng iisang pinuno ng lahat ng nasasakupan
25. Alin ang nararapat na katangian ng isang opisyal mula sa pinakamataas hanggang sa pinaka mababang posisyon sa pamahalaan upang maging matagumpay sa anumang proyekto para sa bansa?
May kaya sa buhay
A. May kaya sa buhay
B. Galing sa puso ang paglilingkod
C. May mataas na pinag-aralan
D. Nanggaling sa mahirap na angkan
