WorksheetsAlamat (Si Mangita at si Larina)
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Siya ang dalagang hinangaan ng marami dahil sa pagiging mabait at matulungin sa kapwa.
A. Larina
B. Lina
C. Mangita
D. Mina
Ito ay tinuturing na pinakamalaking lawa sa buong bansa.
A. Lawa ng Apo
B. Lawa ng Laguna
C. Lawa ng Pinatubo
D. Lawa ng Taal
Maagap na tinulungan ni Mangita ang kaawa-awang pulubi. Ano ang katangiang inilarawan dito?
a.maalalahanin
b.mapagbigay
c. maparaan
d. matulungin
Maraming natutuwa kay Mangita kaya lalong nagselos si Larina.
a.makasarili
b.malupit
c. mapanibughuin
d. matapang
Ano ang naging dahilan kaya pinabayaan ni Larina na lumala ang sakit ni Mangita?
A. Naiinggit siya kay Mangita dahil maraming natutuwa rito.
B.Nagagalit siya kay Mangita dahil mas maganda ito sa kanya.
C.Nagseselos siya kay Mangita dahil mas mahal ito ng kanilang ama.
D.Naiinis siya kay Mangita dahil lagi siyang ginugulo nito sa pagsusuklay.
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng di-makatotohanang pangyayari?
A.Maghapon lamang nagsusuklay at nag-aayos ng mahabang buhok si Larina sa lawa.
B.Nagliwanag ang paligid at naging diwata ang matanda at sinadlak niya sa pusod ng lawa si Larina.
C.Tinulungan ni Mangita ang matanda, pinapasok din niya ito sa bahay upang makakain.
D.Itinulak ni Larina ang matandang humihingi sa kanya ng makakain.
Pinarusahan ng diwata si Larina dahil sa ginawa nitong masama at isinama naman si Mangita sa kanyang tahanan upang doon na tumira.
a. panimula
b. kasukdulan
c. tunggalian
d. wakas
Si Mangita ay mabait at mapagbigay habang ang kanyang kapatid na si Larina ay ubod ng tamad at malupit. Ano ang inilarawan sa pahayag?
a. tagpuan
b. tauhan
c. tunggalian
d. wakas
Dahil sa pagkamuhi ni Larina sa kanyang kapatid ay itinago nito ang mga buto sa kanyang buhok. Lumala nang lumala ang sakit ni Mangita hanggang sa tuluyan itong nanghina.
a. panimula
b. kakalasan
c. kasukdulan
d. wakas
Sa pampang ng Laguna de Bai ay may naninirahang isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya. Ano ang tinukoy o binigyang-diin sa pangungusap?
a. tagpuan
b. tauhan
c. tunggalian
d. wakas
