NEW
Font size
WorksheetsM10 Pre-Test
Total questions: 15
Worksheet time: 14mins
Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin
May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho
Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa Iyo”upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahananag Walang Hagdan. Ang Programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kompaya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang–alang?
Gumawa ng produktong kikita ang tao
Gumawa ng produktong makakatulong sa tao
Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzette sa mga bag na yari sa “Water lily”. Mabili ito lalo na ang mga disenyong may iba’t ibang kulay. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
Nagiging malikhain ang tao sa pa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama–sama sa mithiin ng lipunan
Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao para mabuhay
Pinalitan ni Gng. Quinto ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi siya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat–dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro.
Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kaisipagan.
Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho.
Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.
Hindi natapos ni Bernard ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan sa buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinatag at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Bernard?
Masipag, madiskarte, at matalino
May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
May angking kasipagan, tiyaga papupunyagi, malikhain, at may disiplina sa sarili
Sinasabing “Ang kasipagan ay kaakibat ng kaunlaran”.Sa ngayon pagsikapan natin na tapusin ang isang gawain na iniatang sa atin para sa ikabubuti ng lahat. Anong katangian na dapat taglayin ng isang tao ayon sa tekstong binasa?
Masipag
Matiyaga
Makabayan
Masigasig
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging malikhain sa iba’t ibang larangan na bunga ng mayamang pag – iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Bakit hindi maaaring angkinin ang isang bagay na likha ng iba?
Sapagkat ikaw ay makukulong at mapaparusahan ng panggagaya o pangongopya
Sapagkat hindi ito magandang gawain ng isang taong may pagpapahalaga sa sarili
Sapagkat madadaig ka ng mga taong may kagaya ng iyong gawa
Sapagkat ito’y labag sa batas na simula’t sapul alam naman natin na ito ay bawal
Marami sa ating mga Pilipino ang nakakaranas ng diskriminasyon lalo na sa mga taong may kapansanan, ngunit hindi ito hadlang para sa mga taong may kapansanan gaya nina Apolinario Mabini na isang lumpo noong panahon ng Rebolusyon, at si Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog na isang bulag upang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay at sa bayan. Bilang isang mag – aaral paano mo maipapamalas ang iyong paghanga sa mga taong nabanggit sa teksto?
Gawing inspirasyon at halimbawa ang mga ito
Magsisikap para matulad sa kanila
Magpapakita ng mga gawain na tulad ng ginawa ng mga nasabing personalidad
Babanggitin ang kanilang mga pangalan sa tuwing may usapan sa klase
Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
pagsisikap
pagpupunyagi
kasipagan
katiyagaan
Ito ay uri ng tao na alam ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.
May disiplina sa sarili
masigasig
matiyaga
masipag
Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ang mga ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumapay?
Itinuturing niya itong hamon na kailangan malampasan
Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
Bata palang si Jose, pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isaalang – alang upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti na siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang – alang nang gumagawa ng mga ito?
material na bagay at pagkakilala ng lipunan
personal na kaligayahan na makukuha mula dito
pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
kaloob at kagustuhan ng Diyos
Sa pagreretiro ni Mang Renato, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng magit 35 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa sa pabrika. Palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene?
Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
Hindi, binibigay talaga ang parangal ng benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro, bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang mangagawa
Oo, hindi ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa mangagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Renato dahil sa edad na meron siya.
Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto gamit ang panlabas na pandama?
Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika, si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.
Gumugugol ng maraming oras si Leonardo de Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.
Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan nila ang malusog na isda na malusog na ecosystem.
Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.
