WorksheetsEsP 4 Roxas Materyal at Di-Materyal na Kultura
Total questions: 10
Worksheet time: 21mins
1. Isang kaugalian ng mga Pilipino na taglay kahit sa anumang sitwasyon.
Katapatan
Kabaitan
Malasakit
Masayahin
Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang loob na pagtulong. Halimbawa pagtulong sa iyong magulang sa paggawa ng gawaing bahay at pagtuturo sa klase na nahihirapan sa isang paksa o lesson.
Malasakit
Katapatan
Masayahin
Matapat
Isang uri ng libangan na hinuhulaan ang pangungusap o salita na may nakatagong kahulugan maaring tumutukoy sa hayop, bagay, o lugar.
Sungka
Tinikling
Bugtong
Patintero
Naiwan ng isang bakasyonista ang kanyang maleta na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng ilang libong piso. Ibinalik lahat ng bayaning gwardiya ang naiwan ng bakasyonista. Anong katangian ang ipinakikita dito?
masayahin
malikhain
madamdamin
katapatan
Isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Corrido at buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng magkakapatid na anak nang haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania.
Florante at Laura
Ibong Adarna
Juan Tamad
Biag ni Lam-ang
Isang larong may tablang ginagamitan ng sungkaan.
sungka
patintero
bugtungan
palo sebo
Kilala rin sa tawag na “harang-taga” maaaring laruin ng tatlo hanggang limang myembro. Kailangang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat depende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro.
palosebo
luksong-tinik
taguan
patintero
Ito ay isang uri ng sayaw na kung saan iniilagan ng mga mananayaw ang haligi na kawayan.
Cariñosa
Maglalatik
Tinikling
Itik-itik
Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino.
Palabra de Honor
Amor Propio
Panghaharana
Bayanihan
Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella.
harana
bayanihan
pagsasaka
pamamanhikan
