wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KAGALINGAN SA PAGGAWA- MODYUL 10

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?

a)

Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan

b)

Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay

c)

Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan

d)

Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao para makapili ng nais sa buhay

2.

Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?

a)

Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan

b)

Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa

c)

Gumawa ng produkto o gawaing mapagkakakitaan

d)

Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos

3.

1. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?

a)

Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap

b)

Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa

c)

Ginagawa niya nang may husay ang kaniyang tungkulin

d)

May pagmamahal at pagtatangi sa kaniyang trabaho

4.

Ang taong _______ ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan, at hindi nakukuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan ng kaniyang narinig o nabasa.

a)

may demonstrasyon

b)

may pandama

c)

mausisa

d)

nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

5.

Ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto ay isa sa mga kinakailangan upang makamit ang kagalingan sa paggawa. Anong pagpapahalaga ang tinutukoy sa pahayag?

a)

Disiplina sa sarili

b)

Malikhain

c)

Masigasig

d)

Tiyaga

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?

a)

Gumugugol na maraming oras si Leonardo de Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.

b)

Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.

c)

Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.

d)

Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda malusog na ecosystem.

7.

Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehio dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito, siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang hilig at gusto, Ano ang katangian na mayroon si Baldo?

a)

Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa

b)

Masipag, madiskarte, at matalino

c)

May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

d)

May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili

8.

Hindi naging madali kay Ginoong Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, ngunit sa kabila ng mga pagsubok ay napagtagumpayan niya pa rin ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?

a)

Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit para sa kaniya

b)

Ang pagkadapa ay hindi sensyales upang tuluyang malugmok

c)

Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan

d)

Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang susunod na gagawing hakbang

9.

Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa apatnapung taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kaniyang kagalingan sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala?

a)

Oo, sapat na basehan ang apatnapung taon niyang paglilingkod.

b)

Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang maggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi ng kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.

c)

Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.

d)

Hindi, binibigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.

10.

Alin sa mga sumusunod ang naiiba sa katangian ng pagkatuto habang ginagawa ang isang produkto o gawain?

a)

Pagmasdan ang mga kagamitan

b)

Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin

c)

Pagkilala sa mga estratehiyang maaaring gamitin

d)

Pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain