wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tugon ng mga Katutubong Pilipino(AP)

Total questions: 15

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang _______ ang naging sagot sa pagmamalabis sa mga Filipino ng Espanyol.

a)

Pamumundok

b)

Pag-aalsa

c)

Pakikipagkaibigan

d)

Pagtanggap

2.

Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, hawak na ng isang datu o sultan ang kapangyarihang mamuno sa isang pamayanan. Alin sa mga ito hindi kapangyarihan ng isang Datu o Sultan?

a)

tagapaghukom

b)

tagapagbatas

c)

tagapagpaganap

d)

tagapagbalita

3.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ano ang naging pangunahing tungkulin na lamang ng mga datu?

a)

paniningil ng tributo

b)

pangunguha ng mga inaning palay

c)

pagtatanim ng tabako

d)

pagmimisa

4.

Ang __________ay ang tawag sa sapilitang paggawa ng mga kalalakihang Pilipino ng mga kalsada, tulay , barko at iba pa ng walang bayad .

a)

Reduccion

b)

Polo Y Servicio

c)

Tributo

d)

Polista

5.

Ano ang damdaming ipinapakita ng mga katutubong Pilipino kung saan inialay ang kanilang buhay upang maibalik ang ating kasarinlan?

a)

maka Diyos

b)

maka-tao

c)

makakalikasan

d)

makabayan

6.

Sino ang katutubong pinuno ng Mactan na kilala sa kanyang katapangan at may matibay na paninindigan?

a)

Apolinario Dela Cruz

b)

Ferdinand Magellan

c)

Francisco Dagohoy

d)

Lapu-Lapu

7.

Ito ang makasaysayang labanan kung saan tinalo at napatay ng pangkat nina Lapu-Lapu sina Ferdinand Magellan at ang mga sundalong Kastila.

a)

Battle of Cebu

b)

Battle of Limasawa

c)

Battle of Bulacan

d)

Battle of Mactan

8.

SI Apolinario Dela Cruz ay kilala sa bansag na_______________.

a)

Hermano Pule

b)

Dakilang Lumpo

c)

Apo ni Gabriela Silang

d)

Pambansang Bayani

9.

Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Diego silang?

a)

dahil sa sandata

b)

dahil sa labis na paniningil ng buwis

c)

dahil sa watak-watak na paniniwla

d)

dahil sa mga sundalong Espanyol

10.

Kaninong pag-aalsa ang pinakamahaba?

a)

Apolinario dela Cruz

b)

Juan dela Cruz Palaris

c)

Diego Silang

d)

Francisco Dagohoy

11.

Ano ang dahilan ng malawakang pag-aalsa ni Juan dela Cruz Palaris?

a)

pang-aaabuso ng mga Espanyol

b)

pagpapatupad ng Polo Y Servicio

c)

kawalan ng repormang pangkabuhayan

d)

pagkamatay ng kapatid

12.

Sino ang nagpatuloy ng pag-aalsa ni Diego silang?

a)

Apolinario Dela Cruz

b)

Gabriela Silang

c)

Francisco Dagohoy

d)

Juan dela Cruz Palaris

13.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagtanggap ng pamamahala ng Espanyol batay na rin sa kani-kanilang naging tugon sa pagtrato sa kanila ng mga dayuhan?

a)

nanahimik

b)

nagsaya

c)

nakiisa

d)

nag-alsa

14.

Bakit hindi tinanggap na maging pari si Apolinario dela Cruz?

a)

dahil siya ay isang Indio

b)

dahil siya ay isang Espanyol

c)

dahil siya ay isang matapang na tao

d)

dahil siya ay mahirap lamang

15.

Dapat bang ipahayag ang saloobin sa mapayapang paraan?

a)

tama

b)

mali

c)

di tiyak

d)

itago ang saloobin