wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga Bulakenyo ay kilala sa pagiging masipag, matiyaga, at mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon.

a)

Materyal na Kultura

b)

Di-materyal na Kultura

2.

Tanyag ang lalawigan ng Pampanga sa paglililok at paggawa ng mga kasangkapan, gitara at iba pang bagay na yari sa kamay.

a)

Materyal na Kultura

b)

Di-materyal na Kultura

3.

Ang mga mamamayan ng Aurora ay binubuo ng mga Tagalog at Ilokano.

a)

Materyal na Kultura

b)

Di-materyal na Kultura

4.

Ang mga Zambaleños ay kilala rin sa pagiging magalang at mataas ang respeto sa mga matatanda.

a)

Materyal na Kultura

b)

Di-materyal na Kultura

5.

Dinarayo ng mga turista ang Gapan Church o mas lalong kilala bilang Pambansang Dambana ng La Virgen Divina Pastora dahil sa uri ng arkitektura nito.

a)

Materyal na Kultura

b)

Di-materyal na Kultura

6.

Saang lalawigan sa Rehiyon III ginagamit ang wikang Sambal?

a)

Bataan

b)

Pampanga

c)

Tarlac

d)

Zambales

7.

Ano-anong mga lalawigan sa Rehiyon III ang gumagamit ng wikang Ilokano?

a)

Aurora, Bataan, Pampanga, Tarlac

b)

Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales

c)

Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambalez

d)

Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac

8.

Ano-ano ang mga pinagmamalaking pagkain/ produkto ng mga Bulakenyo?

a)

Ensaymada at pastillas

b)

kilawin at sisig

c)

niyog at abaka

d)

tuyo at tinapa

9.

Saang lalawigan nagmula ang tanyag na awiting Atin cu pung singsing?

a)

Tarlac

b)

Pampanga

c)

Bulacan

d)

Zambales

10.

Saang lalawigan matatagpuan ang Pambansang Dambana ng La Virgen Divina Pastora na nakakatawag pansin sa mga turista dahil sa uri ng arkitektura nito?

a)

Pampanga

b)

Nueva Ecija

c)

Tarlac

d)

Zambales