WorksheetsEPP-M3, Q3
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Sa paghahanda ng lupang taniman mahalaga ang_____________.
A. Malinis na lugar
B. Pagsukat sa kamang taniman ayon sa lugar.
C. Paghahalo ng pataba sa lupa.
D. Lahat ng nabanggit
2. Anong oras ang mainam para sa pagdidilig ng mga halaman?
A. Umaga at hapon
B. Tanghali
C. Dapit hapon
D. Hatinggabi
3. Kailan maaring ilipat ang punla sa kamang taniman?
A. May dalawang dahon
B. Bagong sibol ang punla
C. May 2-4 na dahon
D. Malalaki na ang mga dahon ng punla
4. Ang mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman upang_____.
A. Upang mabawasan ang labis na ugat.
B. Makasagap ng sariwang hangin ang ugat.
C. Makahinga ang mga ugat ng halamang tanim.
D. B at C
5. Alin sa mga sumusunod ang maaring maidudulot ng pagtatanim ng gulay sa pamilya?
A. Magiging marumi ang kapaligiran.
B. Magkawatak watak ang mag-anak.
C. Mapapagod ang mag-anak sa tuwing sila ay magtatanim.
D. May mapagkukunan ng pagkain at maaring pagkakitaan ng buong maganak.
6. Sa paanong paraan masasabi na ligtas gamitin ang organikong pataba o abono?
A. Laging ligtas gamitin ang organikong pataba lalo na kung husto ang pagkabulok nito.
B. Mas ligtas ang organikong pataba na sariling gawa kaysa sa mga komersyal na organikong pataba
C.Sigurado ka sa pinanggalingan at nilalaman ng pataba
D.Hindi natitiyak kung paano ito naproseso.
7. Alin sa mga sumusunod na uri ng lupang pinaka-angkop sa pagtatanim ng gulay?
A. Clay soil
B. Mabuhangin
C. Loam Soil
D. Maputik
8. Upang matiyak na ligtas at walang kemikal ang kakainin na gulay, alin sa mga sumusunod ang mainam na gamitin bilang pataba?
A. Artipisyal na abono
B. Complete fertilizer
C. Compost
D. Pinaghalong organic at in organic
9. Ang mga damong ligaw na binunot sa halamanan ay maaaring gawing ____________.
A. Compost
B. Luwad
C. Inorganiko
D. Pestisidyo
10. Ito ang paraan ng pagtatanim sa lupa na ginagamitan ng dahon, dayami o nutshells.
A. Damong ligaw
B. Abono
C. Mulching
D. Crop rotation
