NEW
Font size
WorksheetsSubukin (paikot na daloy ng ekonomiya)
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Kalahok sa paikot na daloy na tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto
at serbisyo.
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na Kalakalan
Sambahayan
Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang binibigay.
Interes
Sahod
Tubo
Upa
Kita ng sambahayan na di ginagasta upang may magamit sa hinaharap.
Kita
Impok
Sahod
Utang
Sektor ng ekonomiya na nagmamay-ari sa lahat ng salik ng produksyon at
pamilihan ng salik ng produksyon.
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na Kalakalan
Sambahayan
Ito ang nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa
ekonomiya ng ating bansa.
Paikot na daloy ng ekonomiya
Paikot na daloy ng estado
Paikot na daloy ng lipunan
Paikot na daloy ng pambansang
kaunlaran
Modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng sistema
lamang.
Ikaapat na Modelo
Unang Modelo
Ikatlong Modelo
Ikalawang Model
Maraming uri ng mga pamilihan ang nabubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Aling pamilihan kung saan nagaganap ang bilihan ng mga produktong
pangkonsumo?
Pamilihang pinansiyal
Pamilihan ng tapos na produkto
Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
Pamilihang panlabas
May papel na ginagampanan ang bawat sektor sa pagdaloy ng ekonomiya.
Naaapektuhan ba ng daloy ng ekonomiya kung may mawawala o mapapalitang
sektor na kalahok nito?
Oo, dahil magkakaugnay ang lahat ng sektor
Oo, dahil magbabago ang perang iikot sa daloy ng ekonomiya
Hindi, dahil patuloy na gagalaw ang ekonomiya kahit wala ang isang
sektor nito
Hindi, dahil magpapatuloy pa rin ang produksiyon ng mga produkto at
serbisyo kahit nabago ang takbo sa daloy ng ekonomiya
May ugnayang namamagitan sa bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Paano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga
bahay-kalakal
Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon
ng karagdagang trabaho para sa mga bahay kalakal
Malago at maunlad kung maayos ang daloy ng ekonomiya. Bakit mahalagang
maunawaan ang paikot na daloy ng ekonomiya?
Kapag masigla ang paikot na daloy ay palatandaan na mayaman ang
mga mamamayan.
Ang masiglang paikot na daloy ay palatandaan ng maunlad na ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay katibayan na magaganda ang
produkto at serbisyo ng bansa
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay tanda na mahusay ang mga
namamahala sa bansa
