WorksheetsGrade 8 - Reviewer 1
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sa halimbawang “Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan”, anong uri ito ng karunungang-bayan?
a. Bulong
b. Kasabihan
c. Palaisipan
d. Sawikain
Ano ang tawag sa karunungang-bayang na nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno?
a. Bugtong
b. Bulong
c. Salawikain
d. Sawikain
“_________________ ang buhay ng mga aking magulang kompara sa magandang buhay na ibinigay nila sa aking ngayon.” Ano ang angkop na pahambing sa pangungusap?
Di gaanong mahirap
b. Mahirap
c. Mas mahirap
d. Magsinghirap
Ano ang tawag sa kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman at iba pa?
a. Alamat
b. Epiko
c. Maikling Kuwento
d. Pabula
Anong elemento ng kuwentong-bayan ang naglalahad ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena sa kuwento?
a. banghay
b. kakalasan
c. kasukdulan
d. wakas
Anong uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon ang may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa?
a. panimula
b. gitna
c. katawan
d. panghuli
“Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat ________ nasa panganib ang buhay nila.” Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
a. dahil
b. kaya
c. palibhasa
d. sapagkat
“Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho _______ nais niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.” Ano ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
a. bunga nito
b. dahil
c. kasi
d. naging
Anong uri ng tula ang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod na tumatalakay sa kalikasan?
a. Haiku
b. Senryu
c. Tanaga
d. Tanka
“Ang taong mapagpasalamat bagama’t may problema ay nananatiling masaya.” Alin sa pangungusap ang pangatnig?
a. Ang
b. bagama’t
c. may
d. nananatiling
“ ____________ ay hindi mo makalimutan ang Diyos kahit sa oras ng iyong tagumpay.” Anong pangatnig na panubali ang angkop sa pangungusap?
a. Kapag
b. Kundi
c. Kapag
d. Sana
“Ang aking pagmamahal sa bayan __________ sa kapwa ay nag-ugat sa aking pagmamahal sa Diyos.” Ano ang angkop na pangatnig sa pangungusap?
a. at
b. kaya
c. kung
d. subalit
Sinong manunulat ang gumamit ng mga sagisag na Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat?
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Marcelo H. Del Pilar
Ang mga sumusunod ay mga pinakatanyag na repormista o mga ulo ng Kilusang Propaganda MALIBAN sa isa. Alin ang naiiba?
a. Apolinario Mabini
b. Dr. Jose Rizal
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Marcelo H. Del Pilar
Bakit umunlad ang panitikang Pilipino sa panahon ng mga Hapones? Ito ay dahil ________________.
a. pinaniniwalaan ng mga Hapones na mula sa demonyo ang mga sinaunang panitikan ng mga Pilipino
b. ipinatigil ng mga Hapones ang paglathala ng mga pahayagan, magasin, aklat na may pahiwatig ng Kulturang Kanluranin
c. gustong-gusto ng mga Hapones na matuto ng wikang Pilipino at masanay ang mga katutubong magsalita ng sariling wika
d. sa matinding hirap, paniniil, kalupitan, at karahasang sinapit ng mga Pilipino kaya sila nagmalakas loob na lumaban sa maayos na paraan
20. Bakit ang karaniwang paksa ng panitikan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay may kinalaman sa relihiyon? Ito ay dahil ____________________________.
a. likas na sa mga Pilipino ang pagiging relihiyoso kaya pinaunlad lamang nila ito sa pananakop nila
b. mahilig ang Espanyol humiram at humalaw ng mga paksang Europeo na nais rin nilang ipagawa sa mga Pilipino
c. hindi sang-ayon ang mga Espanyol sa mga katutubong panitikan kaya pinalitan nila ito ng mga paksang relihiyon
d. sa kagustuhan ng mga Espanyol na ang relihiyon at panitikang dapat malaman ng mga katutubo ay tungkol sa dala nilang pananampalatayang Katolisismo
Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa mga salitang binabanggit na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa?
a. kariktan
b. larawang-diwa
c. sukat
d. talinghaga
Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod?
a. simbolismo
b. sukat
c. talinghaga
d. tugma
Anong dimensiyon sa pagpapakahulugan ang tumutukoy sa kahulugang karaniwang mula sa diksiyonaryo?
a. denotasyon
b. kasingkahulugan
c. kasalungat
d. konotasyon
“Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng Diyos ang aking panalangin.” Ano kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap?
a. pag-asa
b. problema
c. mataas na lugar
d. uri ng anyong-lupa
