Font size
WorksheetsECONOMICS
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
Ano ang inilalarawan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng Ekonomiya
Kita at Gastusin ng Pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga Institusyong Pampinansiyal
Sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya, paano nagkakaugnay ang Sambahayan at Bahay-Kalakal?
Sa Sambahayan nagmumula ang mga Salik ng Produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng Bahay-Kalakal
Ang salapi ay ginagamit ng Sambahayan upang ipautang na kapital sa mga Bahay-Kalakal
Ginagamit ng Sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga Bahay-Kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga Bahay-Kalakal
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
Bilhin ang nararapat na bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
Kung ikaw ay isang Prodyuser ng produktong may kakulangan ng Supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin?
Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya't nararapat na kumita rin ng malaki.
Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo.
Hindi, dahil hindi kakayanin lalo na ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.
Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang Ekonomiya?
Makro-Ekonomiks
Maykro-Ekonomiks
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Pambansang Kita
Salaping kinokolekta ng Pamahalaan upang makalikom ng pondo?
Toll Fee
Bonus
Port Fee
Buwis
Kailan makikita na positibo ang Economic Performance ng bansa?
Kapag malaking bilang ng Lakas-Paggawa ay walang trabaho.
Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga Bahay-Kalakal.
Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa.
Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI GINAGAMIT na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin Approach+NFIA
Income Approach
Bakit mahalagang masukat ang Economic Performance ng bansa?
Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapa-angat sa ekonomiya ng bansa.
Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksyon.
Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa GNI nito.
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI.
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI.
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI.
Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa GDP ng bansa?
Mataas na remittance ng mga OFW.
Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahikayat sa pamumuhunan.
Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawang-gawa.
Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa Economic Performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Si Mr. Takumi, isang Japanese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
Sa GDP ng Japan dahil mamamayan siya nito.
Sa GNI ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Sa GDP ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Sa GDP ng Pilipinas at Japan dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
Mas malaki ang GDP ng bansa kumpara sa GNI.
Mas malaki ang GNI noong taong 2012 kumpara sa 2013
Mas malaki ang remittance mula sa mga OFW noong taong 2012 kumpara sa taong 2013
Mas malaki ang GNI kumpara sa GDP sa parehong taon.
Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang Kita. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng Kita?
Ito ay ang halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
Ito ay ang pagpapaliban ng paggastos.
Ito ay ang tubo o interes na nakuha sa isang negosyo.
Ito ay ang halagang inilagay mo sa mga bangko.
Sa kanya nagmumula ang mga hilaw na sangkap kagaya ng lupa, paggawa at kapital at wala siyang kakayahang makabuo ng isang produkto.
Bahay-Kalakal
Pamilihan ng Kalakal at Paglilingko
Sambahayan
Pamahalaan
Alin sa mga sumusunod na ang HINDI NABIBILANG bilang Pamilihan sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya?
Pamilihan ng Salik ng Produksyon
Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod
Pamilihang Pampinansiyal
Panlabas na Sektor
Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
(a)
Salaping kinokolekta ng Pamahalaan upang makalikom ng pondo.
(a)
Ito ay ang pagpapaliban ng paggasta.
(a)
