WorksheetsMAIKLING PAGSUSULIT SA BUHAY NI RIZAL- BAITANG 9
Total questions: 30
Worksheet time: 22mins
Ang kitinuturing na ama ni Rizal dahil sa laki ng tulong na ginawa nito para sa kaniyang pag-aaral.
Maximo
Paciano
Manuel
Magin
Ito ang dahilan kung bakit sa musmos na gulang pa lamang ay nasaksihan na ni Jose Rizal ang kawalan ng katarungan.
Ang hindi pagtanggap sa kanya sa San Juan De Letran.
Isinakdal ang kanyang ina na walang sapat na ebidensya at paglilitis dahil sa sabwatan ng may katungkulan at ng sarili pa nilang kamag-anak.
Ang pagkamkam ng lupaing pinaghirapan at pinagyaman ng kanilang pamilya.
Ang hindi pagpayag ng matataas na opisyales na pasalihin sya sa patimpalak para sa mga batang makata ng kanilang bayan.
Sa kanila inialay ni Rizal ang ikalawa niyang dakilang nobela.
Saturnina at Teodora
Gomburza
Josephine at kanyang anak
Andres at Paciano
Babaeng naging kasintahan ni Jose Rizal na inalayan nya ng mga liham na silang dalawa lamang ang makakikita gamit ang kakaibang pamamaraan.
Leonor Valenzuela
Segunda Katigbak
Leonor Rivera
Josephine Bracken
Sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ito ang tawag sa pamilyang indio na nakaririwasa sa buhay.
erehe
ilustrisimo
reverendo
principalia
Ang lahat ay naging kahilingan ni Rizal bago sya barili sa Bagumbayan MALIBAN sa isa.
Nais niyang masilayan ang bukang liwayway sa huling pagkakataon
Nais niyang makita ang mga taong papatay sa kanya sa huling sandali.
Huwag babarilin ang kaniyang ulo
Nais niyang masilayan ng kaniyang ina ang magiging pagbitay sa kanya
Lahat ay nobelang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng akadang NOLI ME TANGERE maliban sa isa.
The Wandering Jew
Bibliya
Doctrina Christiana
Uncle Tom's Cabin
Bakit sa halip na Mercado na siyang apelyido ng angkan ay ipinagamit ni Paciano kay Jose ang RIzal nang sya ay papasukin nito sa Ateneo Municipal?
Dahil noong ginamit ni Jose ang apelyidong Rizal sa Saan Juan De Letran ay hindi sya tinanggap
Dahil pinaniniwalaang ang salitang Rizal na mula sa Ricial ay nangnghulugan ng swerte sa pagtupad ng pangarap.
Dahil ang apelyidong Mercado ay naging kilala na bilang kumakalaban sa pamamahala ng kastila at maaaring makaapekto ito kay Jose sa kanyang pag-aaral.
Dahil ito ay sa kagustuhan ng samahang kinabibilangan ni Paciano na isa sa tutulong upang matustusan ang pag-aaral ni Jose
Siya ang naging ninong ni Rizal nang siya bininyagan ni Padre Rufino Collantes.
Ruben Damaso
Antonio Cervantes
Pedro Casanas
Rafa Escudero
Siya ang kaisa-isang nakatala sa pagpipiliian na naging pribadong tagapagturo ni Jose Rizal sa kaniyang tahanan bago pa sya napapunta sa Binan, Laguna.
Justiniano Aquino
Leon Monroy
Jose Alberto
Maximo Viola
Ito ang paksa ng kauna-unahang akdang naisulat ni Jose Rizal sa edad na walo. Ang akadang SA AKING MGA KABATA.
Ang pagtataguyod sa pamilya
Ang pag-unlad ng bayan
Ang pagpapanatili ng kultura
Ang pagmamahal sa wika
Batay sa kaantasan o kakayahang pangintelektwal sa Ateneo noong panahon ni Rizal, ito ang taguri o estado na nasa gitna.
Standard
Emperor
Centurion
Decurion
Bakit mas pinili ni Jose Rizal na maging Bahagi ng emperyong Carthaginian kaysa emperyong Romano noong sya ay nasa Ateneo?
Upang sa gayon ay madali niyang madalaw ang kanyang kasintahan na malapit lamang sa nasabing Unibersidad.
Dahil naniniwala sya na mas marami syang matututuhan kung siya ay mamamalagi o titira sa labas ng Ateneo.
Dahil napakarami niya pang dapat gawin maliban pa sa pag-aaral
Upang makapagtrabaho pa siya bilang panustos sa kanyang pag-aaral.
Bukod sa Pilosopiyang inaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, anong kurso pa ang kinuha ni Rizal para sa kalagayan ng kanyang ina?
Abogasya
Pilosopiya
Medisina
Edukasyon
Bansa sa Europa na pinuntahan ni Rizal upang ituloy ang kursong medisina.
Ghent Belgium
Lyon Paris
Venice Italy
Madrid Spain
Bukod sa Madrid at Paris, saan pang lugar tinapos ni Rizal ang pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?
Alemanya
Italy
Portugal
Belgium
Lugar kung saan ipinatapon si Rizal dahil sa akusasyon na siya ay may layuning maghimagsik laban sa pamahalaan.
Cebu
Quezon
Jolo
Dapitan
Ayon sa Komisyong Taft, nagiging bayani ang isang tao kung siya ay EDUKADO, YUMAO NA at _______________________
Nanatili sa bansa sa loob ng 40 taon
Nagsasalita ng Tagalog
Nagpakita ng Nasyonalismo
Marunong bumasa at sumulat
Ano ang madamdaming tagpo ang naganap bago ikasal si Leonor Rivera sa lalaking hindi naman niya minahal.
Nagmakaaawa siya sa kanyang ina na huwag nang ituloy ang kasal at pabayaaan na silang dalawa ni Rizal sapagkat lahat naman daw ng bagay na sinabi sa kanya ng kanyang ina ay ginawa niya, ang hiling nya lamang sa pagkakataon na iyon ay hayaan siyang lumigaya sa piling ng tunay niniyang iniibig.
Ang lahat ng mga sulat ni Rizal sa kanya na itinago ng kanyang ina ay kanyang sinunog at ang piraso at abo nito ay inilgay at itinahi nya sa laylayan ng kanyang damit pangkasal tanda na kasama niya pa rin ang kanyang tunay na pag-ibig sa kanyang kasal.
Siya ay nagtangkang magpatiwakal ngunit sa huli ay nailigtas siya ni Rizal sa tiyak na kapahamakan. Bumalik si Rizal upang tuparin angt kanyang naipangako.
Pinutol niya ang kanyang buhok tanda ng pagkaputol ng pagmamahal niya kay Rizal. Para sa kanya ay pinaasa siya at iniwan na lamang basta.
Sa palimbagan na ito ay tuluyang naimprenta ang nobelang El Filibusterismo.
Imprenta Lette
F. Meyer Van Loo Press
El Nuevo Publicacion
El Trinidad
Sa lugar na ito hiniling ni Rizal na siya ay ihimlay.
Bagumbayan
Paanan ng bundok
Sementeryo sa Paco Maynila
Calamba Laguna
Ito ang tawag sa tao na mayroong kakayahang makapagsalita at makaintindi ng dalawang wika, ang wikang kinamulatan o kinagisnan at wikang natutuhan sa magkaibang pagkakataon
bilingual
polyglot
multilingual
lengwista
Ito ipinangalan ni Rizal sa Kanyang kaisa-isang anak na sa kasawiang palad ay namatay matapos na maisilang.
Andres
Francisco
Pedro
Jose
Ito ang salin sa wikang Filipino ng Consumatum Est na binanggit ni na huling kataga ni Rizal bago siya mamatay.
Tapos na
Paalam na
Kayo naman
Laban
Siya ang kinagisnang ama at nagtaguyod kay Josephine Bracken hanggang sa siya ay nagdalaga. Siya rin ang isa sa naging hadlang sa nagmamahalang Josephine at Jose.
George Taufer
James Bracken
Henry Charles Kipping
Manuel Luz
Kung ang Ingles ng Noli Me Tangere ay "Touch me not", Ano ang salin sa tagalog nito?
Huwag mo kong salingin
Huwag mo kong kausapin
Huwag mo kong tignan
Huwag mo kong panuorin
Pangalan ng ina ni Rizal na naging una niyang guro.
Lucia Alonzo
Ursula Alonzo
Teodora Alonzo
Saturnina Alonzo
Petsa kung kailan pinanganak si Jose Rizal
Disyembre 30, 1896
Hunyo 19, 1865
Hunyo 19, 1961
Hunyo 19, 1861
Pang-ilan si Jose Rizal sa magkakapatid?
8
10
7
6
Saang lugar ipinanganak si Jose Rizal?
Binan Laguna
Calamba Laguna
Sta Rosa Laguna
Pansol Laguna
