wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

UNANG PAGSUSULIT GELE 104 (FILDIS)

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1.Ito ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa.

a)

Plebesito

b)

Saligang Batas

c)

Batas Militar

d)

Batas ng Simbahan

2.

2. Ito ang wikang mag-uugnay sa mga tao sa mahigpit na pitong libong isla sa Pilipinas.

a)

Tagalog

b)

Wikang Filipino

c)

Dialekto

d)

Bernakular

3.

3. Tumutukoy ito sa katutubong dayalekto na ginagamit sa Metro Manila.

a)

Cebuano

b)

Filipino

c)

Pilipino

d)

Tagalog

4.

4. Ang Filipino ay itinuturing na isang pluricentric na wika sapagkat ito ay pinagyayaman at pinauunlad ng iba pang umiiral na mga wika sa Pilipinas. Ano ang ibig sabihin ng pluricentric?

a)

Magkakamag-anak

b)

Magkakapatid

c)

Magkaibigan

d)

Tagalog

5.

5. Ang unang diksyunaryong Tagalog na inilathala ay ang ______.

a)

Doctrina Christiana

b)

Vocabulario de la Lengua Pampango

c)

Vocabulario de la Lengua Tagala

d)

Compendio de la Lengua Tagala

6.

6. Siya ang "Ama ng Palimbagang Pilipino".

a)

Tomas Pinpin

b)

Pedro de San Buenavista

c)

Isabelo Artacho

d)

Felix Ferrer

7.

7. Noong Disyembre 31, 1937, idineklara niya ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa.

a)

Manuel L. Quezon

b)

Sergio Osmeña

c)

Lope K. Santos

d)

Manuel Roxas

8.

8. Sa pamamagitan ng batas na naisatitik ni Norberto Romualdez, naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Ano ang batas na ito?

a)

Batas Komonwelt Blg. 184

b)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 s 1937

c)

Batas Komonwelt Blg. 570

d)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

9.

9. Siya ang kinikilala bilang "Ama ng Balarilang Pilipino".

a)

Manuel L. Quezon

b)

Jose Corazon de Jesus

c)

Lope K. Santos

d)

Julian Cruz Balmaceda

10.

10. Siya ang nagsulong ng rebisyon ng Panatang Makabayan (1956)

a)

dating kalihim ng Edukasyon Raul Roco

b)

Jesli A. Lapus

c)

Bro. Armin A. Luistro, FSC

d)

Edilberto de Jesus

11.

11. Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay unang idineklara ni dating PAngulong __________.

a)

Ferdinand e. Marcos

b)

Diosdado Macapagal

c)

Manuel L. Quezon

d)

Sergio Osmeña

12.

12. Ito ang kalakalan sa Maynila na nagbukas sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.

a)

Galon

b)

Galyon

c)

Espanya

d)

Paris

13.

13. Itinuturing ang inskripsiyon na ito bilang pinakamatandang nakasulat na dokumento na natagpuan sa Pilipinas. Inilimbas ang dokumento sa binatbat na tanso noong 900 AD.

a)

Binatbat na tanso ng Laguna

b)

Binutbot na tanso ng Laguna

c)

Baybayin

d)

Alibata

14.

14. Ang unang alpabeto ng ginamit ng mga Pilipino.

a)

Alibata

b)

Baybayin

c)

Abecedario

d)

Abakada

15.

15. Sinasabi na naging matalino ang mga Kastila sa kanilang pananakop sa Pilipinas sapagkat kanilang naging Konsemtrasyon ang _______ ng mga katutubong Pilipino.

a)

Talino

b)

Utak

c)

Kaluluwa

d)

Ekonomiya

16.

16. Ito ang unang aklat sa kasaysayan ng Pilipinas

a)

Sucessos de las Islas Pilipinas

b)

Sucessos A las Islas de Pilipinas

c)

Sucessos las Pilipinas

d)

Anotasyon de las Islas Pilipinas

17.

17. Pamantayan nito ang paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalong higit sa antas ng paaralang gradwardo

a)

Intelektwalisasyon

b)

Globalisasyon

c)

Internasyunalisasyon

d)

Istandardisasyon

18.

18. Iniuugnay ang konseptong ito sa kalagayan ng wika sa ekonomiya, teknolohiya, politika,at iba pa.

a)

Nasyunalisasyon

b)

Globalisasyon

c)

Intelektuwalisasyon

d)

Istandardisasyon

19.

19. Ang kanilang Karunungan sa produksiyon at pagpapamana ng karunungan ay ginawa sa pamamagitan ng sariling pambansang wika. Aling bansa ang hindi kabilang?

a)

Tsino

b)

Hapon

c)

Taiwanese

d)

Pilipino

20.

20. Tinukoy niya sa kanyang diskuro na ang pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyaga ay siyang patuloy na nagpaparupok at nagpapahina sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

a)

Lumbera (2003)

b)

Constantino (2005)

c)

Nolasco (UP)

d)

Dr. Mario H. Maranan