Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 WEEK 2 Activity

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang isang kilos ay matatawag na gawi kung ito ay isinasagawa nang ________

a)

maayos

b)

paulit-ulit

2.

Ang virtue ay galing sa salitang Latin na virtus na nangangahulugang pagiging ________

a)

nilalang

b)

tao

3.

Ang mga sanggol ay wala pang birtud sapagkat sila ay wala pang kakayahang _______

a)

magpasya

b)

makaramdam

4.

Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa _________

a)

kabutihan

b)

karanasan

5.

Ang unang hakbang sa paghubog ng mga birtud sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos nang may pagsisikap ay tinatawag na _________

a)

edukasyon

b)

gawi

6.

Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya, sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?

a)

karunungan

b)

katarungan

c)

maingat na paghuhusga

d)

katatagan

7.

Si Kryshna ay nagsisimula nang magdalaga. Dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?

a)

Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud

b)

Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad

c)

Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga

d)

Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad

8.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa moral na pagpapahalaga?

a)

Ito ay nagmumula sa labas ng tao

b)

Ito ay pangkalahatang katotohanan

c)

Ito ay nababago depende sa tao, lugar at panahon

d)

Ito ay mithiin na tumatagal at nananatili

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultural/Panggawi ang HINDI TOTOO?

a)

Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao

b)

Ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili

c)

Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, opinyon, ugali o damdamin

d)

Ito ay may layuning makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin

10.

Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?

a)

Pamana ng kultura

b)

Kapwa kabataan

c)

Pamilya at Pag-aaruga sa Anak

d)

Guro at Tagapagturo ng relihiyon