NEW
Font size
WorksheetsREVIEWER SA MOTHER TONGUE 2
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
Ang aklat ay isinauli ni Ronjo.
Ang salitang may salungguhit ay ngalan ng:
tao
hayop
lugar
Piyesta na naman sa Barangay San Juan kaya ang mga tao ay abala. Alin sa mga salita ang halimbawa ng pangngalang pantangi?
tao
abala
Barangay San Juan
Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pambalana?
Fort Santiago
Bb. Ramos
kotse
Ang plastik ay kabilang sa di-nabubulok na basura.
Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng:
digrapo
kambal-katinig
diptonggo
Alin ang hindi kabilang sa halimbawa ng digrapo?
tsokolate
grupo
plantsa
Nakikita mo ba sa mapa ang Lungsod ng Tagaytay? Diyan tayo pupunta sa Sabado.
Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng panghalip:
pamatlig
panao
pananong
_____ ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng kanilang mga magulang.
Ano ang angkop na panghalip panao upang mabuo ang pangungusap?
akin
kanila
sila
Alin sa mga sumusunod ang panghalip panaklaw?
ito
ako
lahat
Ang punong mangga ni Mang Nestor ay mataas.
Alin sa mga salita ang nagsasaad ng pang-uri?
Mang Nestor
mataas
punong mangga
Ano ang iba pang tawag sa “salitang kilos”?
pangngalan
panghalip
pandiwa
Alin ang hindi kabilang sa pangkat?
nagtatanong
nagbasa
sumulat
Mamamasyal ang pamilya Renon sa Batangas sa darating na bakasyon.
Ang aspekto ng pandiwa ay:
Nagagaganap pa
Naganap na
Magaganap pa lang
Ano ang wastong magalang na pagbati ang iyong sasabihin kapag nagawan ka ng mabuti ng iyong kapuwa?
Magandang tanghali po.
Makikiraan po.
Maraming salamat po.
Taimtim na nagdadasal ang pamilya Corpuz.
Ang salitang may salungguhit ay:
Pandiwa
Pang-abay
Pang-uri
Noong araw, ang mga bata ay masayang naglalaro ng mga larong pinoy katulad ng tumbang preso at patintero.
Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng:
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamaraan
pang-abay na pamanahon
