Font size
WorksheetsPagsasanay sa Sugnay; Ayos at Uri ng Pangungusap
Total questions: 30
Worksheet time: 3hrs 40mins
Ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno kaysa sa panaguri
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Ayos ng pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Anong ayos ng pangungusap ang makikita sa ibaba?
Nagsisikap ang mga mamamayan na mamuhay nang disente sa kabila ng pandemiya.
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Anong ayos ng pangungusap ang makikita sa ibaba?
Sina Bb. Reyes at G. Julian ay nagbigay ng maikling mensahe sa mga mag-aaral.
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Anong ayos ng pangungusap ang makikita sa ibaba?
Ang pandemiyang COVID-19 ay mabilis na kumakalat lalo na sa mga lugar na may malalaking populasyon.
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Anong ayos ng pangungusap ang makikita sa ibaba?
Nanonood ng balita si Connie upang malaman niya ang nangyayari sa bansa.
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Lagyan ng tsek ang tatlong (3) pangungusap na nasa karaniwang ayos.
Nagmamadaling umalis si Malou upang hindi mahuli sa klase.
Sumulat siya ng patalastas sa kaniyang proyekto sa Filipino.
Ang aming pamilya ay sama-samang nanood ng mga palabas tungkol sa buhay ni Hesus.
Isinailalim ang buong NCR Plus sa Enhanced Community Quarantine.
Lagyan ng tsek ang tatlong pangungusap na nasa DI-KARANIWANG AYOS.
Ako ay natutong tumugtog ng piano noong nakaraang bakasyon.
Ang pamilya Dela Cruz ay nag-organisa ng Feeding Program sa mga mahihirap.
Lahat tayo ay imbitado para sa gaganaping misa mamayang hapon.
Nagbigay ng paalala ang pamahalaan sa mga mamamayan na mag-ingat sa lahat ng oras.
Anong uri ng sugnay ang mababasa sa ibaba?
habang kami ay naghihintay ng anunsyo mula sa pamahalaan
Sugnay na Makapag-iisa
Sugnay na Di-Makapag-iisa
Anong uri ng sugnay ang mababasa sa ibaba?
Ako at ang aking kapatid ay tumutulong sa mga gawaing bahay
Sugnay na Makapag-iisa
Sugnay na Di-Makapag-iisa
Piliin ang bahagi ng SUGNAY NA MAKAPAG-IISA.
Kung tayo ay mamimili ng tapat na lider, ang ating bansa ay maaaring umunlad.
Kung tayo ay mamimili ng tapat na lider
ang ating bansa ay maaaring umunlad.
Piliin ang bahagi ng SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA.
Kung tayo ay mamimili ng tapat na lider, ang ating bansa ay maaaring umunlad.
Kung tayo ay mamimili ng tapat na lider
ang ating bansa ay maaaring umunlad.
Piliin ang bahagi ng SUGNAY NA MAKAPAG-IISA.
Tayo ay pinag-iingat upang bumaba ang bilang ng kaso ng may COVID-19 sa bansa.
Tayo ay pinag-iingat
upang bumaba ang bilang ng kaso ng may COVID-19 sa bansa.
Piliin ang bahagi ng SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA.
Tayo ay pinag-iingat upang bumaba ang bilang ng kaso ng may COVID-19 sa bansa.
Tayo ay pinag-iingat
upang bumaba ang bilang ng kaso ng may COVID-19 sa bansa.
Tukuyin sa mga pagpipilian ang sugnay na makapag-iisa
ngunit di lahat ay nakikinig
sapagkat siya ay nakakuha ng mataas na marka
nagbigay ng mensahe ang pangulo
kaya siya ay naging handa sa klase
Tukuyin sa mga pagpipilian ang sugnay na di-makapag-iisa
ipinakita niya ang kaniyang husay sa pagsasalita
pero hindi siya nagpaapekto sa sinasabi ng tao
siya ay pinuri ng kaniyang guro
ang mga Pilipino ay likas na madasalin
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Saang bahagi ng Bibliya mababasa ang tungkol sa mga sakripisyo ni Hesus?
pasalaysay
patanong
pautos
padamdam
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Dahil sa pagmamahal sa atin ng Diyos, ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na anak na si Hesus.
pasalaysay
patanong
pautos
padamdam
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Mabuhay ang mga bayaning Pilipino! Mabuhay!
pasalaysay
patanong
pautos
padamdam
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Pwede mo bang lakasan ang iyong boses upang ikaw ay marinig?
pasalaysay
patanong
pautos
pakiusap
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Inumin mo ang iyong gamot mamayang alas-9 ng umaga, Harry.
pasalaysay
patanong
pautos
pakiusap
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mababasa sa ibaba.
Pakiayos ang iyong upo upang hindi sumakit ang iyong likuran.
pasalaysay
patanong
pautos
pakiusap
Piliin sa ibaba ang naiibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
Alam mo ba na ikaw na lang ang hindi nagpapasa?
Kung ako ang mamimili o konsyumer, bakit ko pipiliin ang iyong produkto?
Ano-ano ang mga sangkap na kakailanganin kong ihanda?
Maaari mo ba akong tulungan sa aking takdang-aralin?
Piliin sa ibaba ang naiibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
Pakinggan mo ang balita kung ECQ pa rin tayo.
Ang mga lokal na pamahalaan ay abala sa pamimigay ng tulong-pinansyal.
Basahin mo nga ang bahaging ito nang malaman mo ang tinutukoy ko.
Magsagot ka na ng iyong pagsasanay.
Piliin sa ibaba ang naiibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
Ilan na nga ba ang aktibong kaso sa inyong barangay, Lisa?
Naku! Nakatatakot talagang magkasakit ngayon!
Ang linis naman ng iyong silid, Ana!
Aray! Natapakan natapakan mo ang aking paa.
Ito ay mga babasahin na batay sa kathang isip ng may-akda na malayong mangyari sa totoong buhay?
PIKSYON
DI-PIKSYON
Ito ay uri ng babasahin na batay sa totoong tao, pangyayari tulad ng talambuhay, talumpati at kasaysayan.
PIKSYON
DI-PIKSYON
Piliin sa mga babasahin ang nasa kategoryang PIKSYON?
Malolos: The Crisis of the Republic
Greek Mythology
Pope Francis: Rejoice and Be Glad
The Third Republic
Piliin sa mga babasahin ang nasa kategoryang DI-PIKSYON?
Malolos: The Crisis of the Republic
Greek Mythology
Snow White and the Seven Dwarfs
The Matrix
Ang mga sumusunod na babasahin ay nasa kategoryang DI-PIKSYON maliban sa isa. Ano ang hindi kabilang?
Balitang Isports
Ang Alamat ng Bulkang Mayon
Ang Buhay ni Lapulapu
Ang Talumpati ni Manuel Quezon
