Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS

Total questions: 20

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ang dalawang bansang ito ay nangunguna sa paggalugad at pagtuklas ng mga bagong bansa sa mundo sa pamamagitan ng kanya-kanyang paglalayag.

a)

Spain at Italy

b)

France at Germany

c)

Spain at Portugal

d)

Spain at Netherlands

2.

Batay sa mapa, anong kulay ng ruta na dinaanan ng paglalayag na portuges na si Bartolome Diaz?

a)

Asul

b)

Itim

c)

Pula

d)

Wala sa nabanggit na kulay

3.

Isang portuges na manlalayag o navigator na kahit isa ay hindi man lang nakapaglayag sa kanyang mga naitaguyod na paglalayag.

a)

Prince Harry

b)

Prince Philipp

c)

Prince Charles

d)

Prince Henry

4.

Siya ay nagpatayo ng paaralan para pag-aralan ang paggawa ng mapa at barkong panlayag. Ito ay upang ang mga mandaragat ay makakuha ng mga mahusay na ideya at mapabago pa ang ibang disenyo sa kanilang mga sasakyang pandagat.

a)

Basco de Gama

b)

Prince Henry

c)

Ferdinand Magellan

d)

Pedro Cabral

5.

Narating ni ____________________ isang manlalayag na portuges ang dulong bahagi ng Africa nakung saan tinawag rin itong __________________________.

a)

Bartholome Diaz - Cape of Good Will

b)

Pedro Cabral - Cape of Good Hope

c)

Bartholome Diaz - Cape of Good Hope

d)

Pedro Cabral - Cape of Good Will

6.

Batay sa mapa anong kulay ng pagalalayag na tinahak ng portuges na manlalayag na si Vasco de Gama?

a)

Asul

b)

Pula

c)

Itim

d)

Wala sa nabanggit

7.

Dahil sa pag-kontrol ng kalakalan sa bansang Italya lalong lalo na ang mga daungan na nagsisilbi sanang ruta at ugnayan ng mga Europeo sa taga-silangan. Ang mga __________ ay nagbigay hamon rin sa mga bansang Europeo na manggalugad sa iba't-ibang panig na mundo

a)

Espanyol

b)

Portuges

c)

ingles

d)

French

8.

Batay sa mapa, anong kulay ng ruta na dinaanan ng paglalayag na espanyol na si Ferdinand Magellan.

a)

Itim

b)

Asul

c)

Pula

d)

Wala sa nabanggit na kulay

9.

Nanguna sa mga ito ang Portuges at Spain na naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad bansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang Espanya ang may malaking porsyento na napuntahang bansa sa paglalayag nito sa Asya.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Karumal dumal na krimen na kisangkutan ng mga Dutch na kung saan 10 mangangalakal na Ingles ang kanilang pinaslang bunga na rin nang hinala na sila ay nakikipagsabwatan sa mga Javanese upang agawin ang tanggulang itinayo ng mga Dutch sa Amboina Moluccas.

a)

MOLUCCAS MASSACRE

b)

MADRAS MASSACRE

c)

AMBOINA MASSACRE

d)

JAVA MASSACRE

12.

Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng karapatang pangnegoyso na ibinigay ng Rajah ng Chandragari sa India para sa mga British sa bahagi ng Madras.

a)

protectorate

b)

Concession

c)

Colony

d)

Sphere of Influence

13.

Ang FORMOSA ay isa sa mga teritoryong nasakop ng mga Dutch na bahagi ng Silangang Asya. Ang Formosa sa kasalukuyan ay tumutukoy sa anong bansa?

a)

SRI LANKA

b)

INDIA

c)

TAIWAN

d)

SINGAPORE

14.

Ang pulo ng Molluccas ay minsan nang naging interes ng karamihan ng mga bansang Europeo sa panahon ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Bahagi ng anong bansa ang Moluccas?

a)

MALAYSIA

b)

THAILAND

c)

PILIPINAS

d)

INDONESIA

15.

Sa pamamagitan ng kumpanyang pangkalakalan na ito nakapagtatag ng isang kumpanyang pangkalakalan sa Pondicherry sa India.

a)

ENGLISH EAST INDIA COMPANY

b)

DUTCH EAST INDIA COMPANY

c)

BRITISH EAST INDIA COMPANY

d)

FRENCH EAST INDIA COMPANY

16.

Ang Labanan sa Plassey ay isang Labanan na kinasangkutan ng England at isa pang bansang Europeo para sa kanilang karapatan na pananakop sa bansang India. Anong bansa ang nakalaban ng mga Ingles dito?

a)

NETHERLANDS

b)

FRANCE

c)

SPAIN

d)

PORTUGAL

17.

Hindi agad nakapagsimula ng pananakop ang bansang Netherlands bunga na rin ng kanilang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan sa bansang ito sa Europa.

a)

PORTUGAL

b)

SPAIN

c)

ENGLAND

d)

FRANCE

18.

Kumpanyang pangkalakalan na ang layunin ay makapagtatag ng ugnayang pangkalakalan sa JAVA, SUMATRA at MOLUCCAS.

a)

ENGLISH EAST INDIA COMPANY

b)

FRENCH EAST INDIA COMPANY

c)

DUTCH EAST INDIA COMPANY

d)

WALA SA NABANGGIT

19.

Noong 1619, itinatag ng mga Dutch ang Batavia bilang sentro ng kanilang imperyo, sa kasalukuyan ang BATAVIA ay tumutukoy sa;

a)

BANGKOK

b)

JAKARTA

c)

YANGGOON

d)

SUMATRA

20.

Alin sa mga bansang ito ang hindi naging bahagi ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya?

a)

SPAIN

b)

PORTUGAL

c)

ITALY

d)

FRANCE