WorksheetsAP 7: QUIZ #4.2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang pamahalaan ang nagsilbing matibay na sandigan para sa matatag, matahimik, at maunlad na pamumuhay ng mga mamamayan.
TAMA
MALI
Dahil sa paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya mula sa mga mananakop ay nabigyan din ang mga mamamayan ng mga bansang ito ng pagkakataon na pamunuan ang kani-kanilang pamahalaan.
TAMA
MALI
Ang mga tao sa pamahalaan ang siyang nangangasiwa sa araw-araw na operasyon ng pamahalaan.
TAMA
MALI
Iba-iba ang anyo ng pamahalaan sa Asya.
TAMA
MALI
Maraming aspekto ang nakaimpluwensiya sa kalagayang ito. Isa na ang mga ideolohikal na paniniwala ng mga tagapagtatag nito.
TAMA
MALI
Ang lahat ng bansa sa Asya ay may iisa lamang na pamahalaan.
TAMA
MALI
Uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ng pamumuno ay nasa katauhan ng isang hari, emperador, sultan, o shah.
Monarkiyang Konstitusyunal
Komunistang Sistema
Ganap na Monarkikal
Uri ng pamahalaan na ang mamamayan ay may kapangyarihang maghalal ng mga opisyal ng pamahalaan.
Demokrasya
Monarkiyang Konstitusyunal
Ganap na Monarkikal
Ang kapangyarihan ng isang monarko ay ayon sa nakatakda sa konstitusyon ng bansa. Sa ganitong sistema, ang emperador ay pinunong seremonyal. Nasa kamay ng punong ministro ang kapangyarihan ng pamumuno at pamamalakad ng pamahalaan.
Demokrasya
Komunistang Sistema
Monarkiyang Konstitusyunal
Ilan ang sistema ng pamahalaang demokrasya?
Apat
Anim
Dalawa
Uri ng pamahalaan sa Asya na ang kapangyarihan ng estado at pamahalaan ay hawak ng isang tao o isang partidong politikal—ang partidong komunista.
Komunistang Sistema
Parlamentaryo
Ganap na Monarkikal
Isa sa sistema ng Demokrasya na ang punong ministro at ang gabinete ang bumubuo ng ehekutibo o ang pangunahing tagapamahala ng gobyerno.
Presidential o Panguluhan
Parlamentaryo
Isa sa sistema ng Demokrasya na ang pangulo, pangalawang pangulo, senador, kinatawan, Gobernador hanggang sa kapitan ng barangay ay hiwalay na pinipili ng mga mamamayan.
Presidential o Panguluhan
Parlamentaryo
Anong uri ng pamahalaan meron ang Pilipinas?
Komunistang Sistema
Demokrasya
Monarkiyang Konstitusyunal
Ganap na Monarkikal
Ang Pilipinas ay may demokrasyang pamahalaan. Anong sistema ang sinusunod nito?
Presidential o Panguluhan
Parlamentaryo
